MASKI kami nagulat sa takbo ng pag-iisip ni Rodrigo Duterte. Kung gusto ng Estados Unidos ng Visiting Forces Agreement (VFA), magbayad sila sa Filipinas, aniya. Hindi niya sinabi kung magkano, ngunit sa mga Filipino, arogante ang dating ng kanyang pangungusap. Bastos at walang modo at para siyang nakikipag-usap sa kanyang kainuman sa kanto.
Ang laki ng pagkakaiba ng Estados Unidos at China na sinasamba ni Duterte mula ulo hanggang paa. Hindi basta pinasok ng Estados Unidos ang ating teritoryo at kinamkam ang ating mga isla. Hindi patagong nagtayo ng anumang base militar sa ating isla. Hindi tayo binastos ng Estados Unidos; hindi katulad ng China na walang respeto sa atin.
Teka nga pala. Bata siya ng China. Siya ang walang modong taksil sa bayan na kinatawan ng interes ng China sa bansa. Gagawin niya ang lahat manatili lamang sa poder upang ipagtanggol ang China. Hindi sa Filipinas ang kanyang katapatan.
Ito ang dahilan upang magkaisa ang puwersang demokratiko sa bansa. Kailangan harapin at basagin ang kandidatura ng sinuman sa kanyang nonombrahan bilang kahalili. Kailangan mapigil ang puersa ng kasamaan sa bansa. Hindi dapat maupo ang sugo ng China dito.
Kailangan maging isang malaking koalisyon kontra China ang puwersang demokratiko sa bansa. Ito ang malaking sigaw sa halalan sa 2022. Hindi kailangan papormahin ang sinuman na magtatanggol sa interes ng China. Kinakatawan ni Duterte at Grupong Davao ang China. Sila ang kaaway ng ating demokrasya.
***
SA pagbabalik ng Estados Unidos, tatlong bagay ang prayoridad upang mapalakas at mapanatili ang demokrasya sa Filipinas: una, ang agarang papalaya kay Leila de Lima; pangalawan, ang pagtatapos ng paghahari ng Grupng Davao sa Filipinas sa 2022; at pangatlo, ang pagkakahalal ng kahalili ni Duterte na magtataguyod sa demokrasya.
Hindi maaari na mawala ang anuman sa tatlo. Hindi papaya ag Estados Unidos na bumagsak ang Filipinas sa kuko ng China. Kailangan mailayo ito sa impluwensiya ng Chna at maibalik sa pagtataguyod ng Estados Unidos. Gagawa ng paraan ang Washington upang magwakas ang pamahalaan ng Grupong Davao City. Wala silang puwang.
***
BAGAMAN acquitted si Donald Trump sa kanyang impeachment trial, hindi na babangon muli si Trump upang manggulo sa pulitika sa Estados Unidos. Naniniwala kami na tapos ns siya. Walang pulitiko na kabilang sa Republican Party ang makikilaro sa kanya. Wala nang kagat o lakas si Trump upang makaimpluwensiya.
Walang panalo sa impeachment trial si Trump. Kahit ano ang kahihinatnan, talo siya. Naipakita ang kanyang kahinaan. Wala na sa poder si Trump at hindi nakikita ang anuman kakayahan na bumalik pa siya. Pinaglaruan lang siya sa impeachment trial.
Ang panalo ay ang mga mambabatas ng Democratic Party na tumayong impeachment manager sa trial. Sumikat sila sa tindi ng kanilang binitiwang mga salita sa bulwagan ng Capitol Hill. Sumikat sina Jamie Raskin, lead manager, at mga kasama na sina Joe Neguse, Stacey Plaskett, Jonathan Castro, Madeleine Dean, at iba pa.
Walang naisagot ang mga defense lawyer na kinuha ni Trump. Mga pinagpilian at mahihinang klase ang tatlong manananggol. Paano masasagot ang mga argumento ng mga mambabatas na Democrat kung pawang nakabase sa pangyayari? Baluktot ang kanilang mga katwiran.
Ikinatwiran na pangkaraniwan ang mga sinabi ni Trump noong panahon ng kampanya at maski noong ika-6 ng Enero kung saan nauwi sa isang riot ang pagtitipon sa Capitol Hill. Mukhang hindi natiindihan ng kanyang mga manananggol ang context ng kanyang mga salita. Totoo ligaw ang mga katwiran.
Gayunpaman, isang prosesong pulitikal ang impeachment trial. Hindi ito nabubuhay o nababase sa katwiran. Nababatay ito sa patuloy ng pagkabuhay ng lapiang Republican. Sa nangyari, lubhang nasugatan ang Republican Party; nasaktan ng toto-todo upang magkahati-hati. Hindi na ito ang lapian ni Abraham Lincoln.
Lapian na ito ng mga extremist group tulad ng Proud Boys, QAnon, Ku Klux Klan. White Supremacy, at iba pang itinakwil na grupo. Kailangan ibangon ang lapian at maging tunay na lapian ang mga konserbatibo.
***
MAY isinulat ang aming kaibigan upang maging panutunan sa ating relasyon sa Estados Unidos. Maiging maintindihan ang American Experiecan Experience. Narito
AMERICAN EXPERIENCE
When we talk of American experience, we talk of two themes: isolationism and internationalism. They are not mutually exclusive though. Internationalism is the U.S.’s version of its hegemony and expansion. It is its way to assume an international posture as the world’s policeman and propagate the gospel of democracy.
Isolationism is the tendency to strengthen its domestic structures and processes. It is its way to avoid international commitments, as it nurses its own self back to political health and strength. These two themes interact, as it could be seen during specific courses of its history. There are times when one theme could be dominant, while the other theme takes a backseat.
We see the United States today grappling with the two themes. Its victory with its allies on the ticklish ISIS issue in the Middle East and its ceasefire agreement with its Taliban nemesis in Afghanistan did not mean the U.S. taking a more isolationist stance now. On the contrary, it has shifted its foreign policy direction to Asia, particularly China. It now wants to check China’s own hegemony to its neighbors.
The U.S’s return to Asia means spreading the gospel of democracy. It intends to counter the growing influence of China and the spread of autocratic principles in Asia. It wants to kep democracy alive and kicking in Asia. We can expect the U.S. to stop anti-democracy tendencies in Myanmar, the Philippines, and even Malaysia and Cambodia.
The U.S. sees extremism as the biggest current issue in the domestic front. To keep a semblance of isolationism, it will work to counter the inroads of extremist forces within the beleaguered Republican Party. Far right groups like Proud Boys, QAnon, White Supremacy, Ku Klux Klan, and others would be dutifully checked.
***
MGA PILING SALITA: “The U.S. is spending $1.9 trillion to meet the pandemic. Here comes Duterte asking money for the VFA. May katok …” – PL, netizen
“The U.S. refocus on Asia sends chills on China’s lackeys in PHL like Duterte, Bong Go, and Lorenzana. Kabado sila.” – Iggy Mercado, netizen
The post Panukala ng bastos appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: