HANDA ang national wrestling team para sumabak sa Southeast Asian Games 2021 at Asian Games 2022 kung saan ay kasama ang naturang sports sa medal events ng mga naturang international competitions.
Ayon kay Wrestling Federation of the Philippines president Alvin Aguilar, hindi naging hadlang ang krisis- pandemya para mapigilan ang pagpapa- kondisyon ng ating national wrestlers sa pamamagitan ng virtual at physical sa kanilang bubble gym kaakibat ang pagsunod sa health protocol na pinatutupad ng DOH at IATF.
” Determinado ang ating pambatong wrestlers na ma-surpass ang gold medal haul noong nakaraang 2019 SEAGames dito sa bansa.Puspusan ang kanilang training para sa 31st SEAGames Hanoi 2021 sa Disyembre lalo pa’t malapit nang maging maluwag ang panuntunan ng IATF sa sports dahil available na ang vaccine ngayong buwan”, pahayag ni Aguilar-naging jiujitsu international medalist at founder ng URCC MMA na tanyag sa bansa at dinudumog ng fans bago ang pandemya.
Ikinagalak din ni Aguilar ang pagkakabilang ng Team PH sa wrestling event para sa 2022 Huangzhou , China.
” Titiyakin kong ang ating pinaka- cream of the crop ang isasabak natin sa Asiad at optimistiko ako para sa productive campaign ng ating best bets sa Huangzhou”ani pa Aguilar na nagpaabot ng kanyang taos- pusong pasasalamat sa Philippine Olympic Committee (POC)sa pamumuno ni president Rep. Abraham ‘Bambol Tolemtino at sa Philippine Sports Commission ( PSC) sa liderato ni chairman William Ramirez.(Danny Simon)
The post PH WRESTLING PRESIDENT AGUILAR TODO HANDA ANG BETS PARA SA SEAG AT ASIAD appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: