SASABAK ang Pilipinas sa 46 na events ng 61 sports na nakatala sa 2022 Asian Games na aarangkada mula Setyembre 10 hanggang 25 sa Hangzhou, China.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep.Abraham ‘Bambol Tolentino na isinumite ng ng kanyang komite ang listahan ng Philippine bets sa Huangzhou Asian Games Organizing Committee noong Pebrero 19.
Makikipagtunggali ang mga atleteng Pilipino sa aquatics,archery, athletics, baseball softball , men’s basketball , men’s 3×3 basketball, boxing , canoe kayak at cycling BMX/MTB..
Nasa talaan din ng Team Philippines ang dancesport’s breaking men’s dragonboat, equestrian, men’s football, fencing golf, artistic at rhytmic gymnastics, judo, jiujitsu, karate, bridge, chess, esport, xiangqi , modern pentathlon, skateboarding at men’s rugby.
Kabilang din ang sepak takraw, shooting, sports climbing , squash, taekwondo, tennis, triathlon men’s and women’s volleyball, men’s and women’s beach volleyball, weightlifting, wrestling at wushu.
Ayon pa sa pangulo rin ng PhilCycling na si Tolentino , marapat lang na umangat ang performance ng Philippine team dahil na rin sa dominasyon nito sa nakaraang Southeast Asian Games.
“We submitted our list last Friday-the deadline- and we based our list on our effort to surpass our last achievement of 4 golds in Jakarta Asiad 2018 because we improved a lot in the SEAGames,” ani Tolentino na nagnombra kay Dr. Jose Raul Canlas ng surfing bilang chef de mission sa Hangzhou.
Ang apat na gintong medalyang naiuwi mula 2018 Jakarta Asian Games ay sa kagitingan nina Hidilyn Diaz (weightlifting) ,
Margielyn Didal( skateboarding),Yuka Saso( golf, women’s individual) at ang trio nina Saso, Bianca Panganiban at Lois Kaye Go( golf , women’s team).(Danny Simon)
The post TEAM PHILIPPINES BUO NA PARA SA HUANGZHOU ASIAN GAMES appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: