HINAMON ng grupong Philippine Patriotic Movement ang lahat ng mga kandidato sa 2022 elections na maglatag ng komprehensibong national recovery program upang masolusyunan ang pangangailangan ng mga sektor na naapektuhan ng pandemya.
Ang PPM ay isang koalisyon na binubuo ng mga maralita, mangaggawa at iba pang nasa marginalized sector na nasa miserableng katayuan.
Ayon sa PPM, hindi sila sang ayon at lalabanan ang nga nagbabalak na pigilan ang 2022 elections.
Hiniling din ng grupo na isulong ang isang hybrid election na may aktwal na bilangan sa mga presinto bago pa ito ma transmit sa national canvassing center.
Nilinaw ng PPM na wala silang kandidato na susuportahan sa ngayon dahil ang open call na hamon nila ay para sa sinumang kandidato na magsusulong ng agenda na makakapagpaangat sa buhay ng mga nasa marginalized sector.
“Kung sino man sa inyo ang may pinaka komprehensibo, lapat s alupa at maagap na alternatibong programa,siya ang aming susuportahan upang itaguyod ang kandidatura”, ayon pa sa PPM.
The post PPM hinamon mga kandidato sa 2022 maglatag ng recover program laban sa pandemya appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: