Facebook

Leonen, hilaw para maging Chief Justice?

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, `Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming mananatili roon, mangangalakal kami at kikita nang malaki’. Ni hindi nga ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Ang buhay ninyo’y parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala…” (Santiago 4:13-14, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

LEONEN, HILAW PARA MAGING CHIEF JUSTICE… Tila hilaw na hilaw pa si Supreme Court Associate Justice Marvic Mario Victor Leonen sabi ng marami kung ito ang magiging susunod na Hepe ng ating Korte Suprema.

Ilang kilala at batikan ng kolumnista, kritiko at netizens ang pumupuna sa hindi karapat-dapat na katangian ng isang nais humawak ng mataas na posisyon sa ating bansa. Kung saan isa si Justice Leonen sa mataas ang tsansa maging sunod na Punong Mahestrado ng Korte Suprema.

Napapabalita din na ito ay gustong “mapalapit” sa mahal ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang makamtan ang pangarap na posisyon bilang Chief Justice sa kanila na ito ay lantad ng appointee ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Kasabihang “hunyango” na pag-uugali na hindi kailanman tinangkil ng mamamayan.

Isa rin sa kinagugulat ng nakakarami ay ang pag-binbin at pagpapatagal ng kaso nito sa kasalukuyang kaguluhan sa nakaraang malawakan na dayaan “daw” sa pagka-bise presidente sa nakaraan national election.

Tila pagong na binibitin ni Justice Leonen ang totoong resulta kung may dayaan man o wala na nangyari sa nakaraang eleksyon sa pagka-Bise Presidente ng bansa. Katanungan sa marami, mapa-kampo man ni Bise Presidente Leni Lobredo at Bongbong Marcos. Apat na taon ang lumipas, pero ang masa ay blanko pa din sa totoong resulta.

Ang pinakikitang kabagalan nito, maging ang mga nakalipas na pakikipag away sa mga kawpa mahestrado kagaya ni retired SC Justice Bersamin, kaugnay sa hindi tamang kaugalian nito ay malaking senyales na hindi ito maaring maging Hepe ng ating kagagalang-galang na Korte Suprema.

Sadya nga bang si Justice Leonen ay hilaw, o kulang pa, o may kinakatigan? Hangad ng mamamayan ang pantay-pantay na katarungan para sa kanino man ay unang maipakita ng Korte Suprema upang manumbalik ang tiwala ng mamamayan sa ating justice system.

***

HINDI LAHAT NG TAO PUWEDENG MAGING SAKSI NG DIYOS: Pero, kung uunawin natin ito ng mas matindi, hindi lahat ng tao ay pupuwedeng maging saksi. Yun lamang mga binabaan ng Espiritu Santo ang magiging mga saksi. Ang tanong dito, sino ba ang mga taong binabaan ng Espiritu Santo? O di kaya, papaano ba binababaan ng Espiritu Santo ang mga tao?

The post Leonen, hilaw para maging Chief Justice? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Leonen, hilaw para maging Chief Justice? Leonen, hilaw para maging Chief Justice? Reviewed by misfitgympal on Pebrero 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.