Facebook

NBA: Wolves tinuldukan ang 4-game skid vs Raptors

TUMIKADA si Karl-Anthony Towns ng 20 points, 11 rebounds at three blocks bago napatalsik sa final minute at dinaig ng bisitang Minnesota Timberwolves ang Toronto Raptors 116-112 kahapon sa Tampa.
Tinuldukan ng Timberwolves ang four-game losing streak at 16-game skid bilang visiting team laban sa Raptors.Ang Timberwolves ay hindi pa nanalo sa road game laban sa Toronto bilang bisita mula pa noong Jan, 21 2004.
May pagkakataon pa sana si Pascal Siakam na itabla ang laro para sa Toronto pero sumablay ang layup may 7.4 segundo pa sa laro.
Malik Beasley nagdagdag ng 20 points at six assists para sa Timberwolves.Anthony Edwards may 18 points at seven rebounds, Ricky Rubio 16 points,Jarred Vanderbilt 12 at Jaylen Nowell 11 points.
Kyle Lowry umiskor ng 24 points para sa Toronto,habang si Norman Powell at Fred VanVleet nag-ambag ng tig-22. Siakam nagdagdag ng 18 points,eight rebounds six assis.Aaron Baynes na fouled out may oras pa na 2.18 sa laro ay may six points at five rebounds.

The post NBA: Wolves tinuldukan ang 4-game skid vs Raptors appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
NBA: Wolves tinuldukan ang 4-game skid vs Raptors NBA: Wolves tinuldukan ang 4-game skid vs Raptors Reviewed by misfitgympal on Pebrero 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.