Facebook

Broner vs Jovanie Santiago sa Pebrero 20

NAKAHANDA na si Adrian Broner sa nakatakda nitong laban.
Nakatakda kasi nitong harapin ang undefeated boxer na si Jovanie Santiago sa daraing na Pebrero 20.
Ito ang unang laban ng 31-anyos na si Broner matapos ang dalawang taon na pamamahinga.
Sinabi nito na puntirya niyang maging 5-time world champion.
Huling laban nito ay noong Enero 2019 ng talunin siya ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous decision.
Magugunitang nahaharap sa ilang kaso ang US boxer gaya ng reklamong panggagahasa ng kababaihan at ang hindi pagbabayad ng mga inutang na alahas.
Inaresto pa ito at kinasuhan dahil sa pagmamaneho ng nakainom.
Dagdag pa nito na mayroon pang tatlo hanggang limang taon bago ito tuluyang magretiro sa boxing.

The post Broner vs Jovanie Santiago sa Pebrero 20 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Broner vs Jovanie Santiago sa Pebrero 20 Broner vs Jovanie Santiago sa Pebrero 20 Reviewed by misfitgympal on Pebrero 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.