Facebook

Wala na ang ‘Itanong mo kay Soriano’

OPO! yumao na ang pinakamahusay na debater sa Bibliya, si Brother Eli Soriano, sa edad 73 sa Brazil.

Hindi ako kaanib ng “Ang Dating Daan” ni Brother Eli. Sarado Katoliko ako. Pero isa ako sa mga humahanga sa kanyang talino at husay sa pagpapaliwanag sa bawat salita ng Diyos sa Bibliya.

Napanood ko ang maraming video ng kanyang pakikipag-debate sa mga pastor ng iba’t ibang sekta, kungsaan nilalampaso n’ya lang ang mga ito.

Maging ang mga kilalang evangelist, ministro o founder ng iba’t ibang sekta na humamon sa kanya ng debate na kanyang kinasahan ay ‘di sumisipot pagdating ng oras, nagpapalusot nalang ng kung anu-ano para ‘di matuloy ang kanilang debate.

May napanood akong video na hinamon siya ng founder ng Kingdom of Jesus Christ na si Apollo Quiboloy ng debate sa programa ng huli sa IBC 13 many years ago. Tinanggap ni Bro Eli ang hamon. Tapos biglang nagpalusot si Quiboloy na hindi na raw uso ngayon ang debate, ipinagbabawal daw ito ng Diyos. Ganun? Hehehe…

May ilang ministro rin ng Iglesia ni Cristo ang naghamon ng debate kay Bro Eli. Pero hindi rin sumipot ang naghamon. Tuloy ‘yung isang ministro na naging tulay sa paghamon kay Bro Eli ay nakumbinsing lumipat nalang sa ADD. Aray ko. Hehehe…

Hinamon naman ni Bro. Eli ang founder ng INC, pero ang sagot ng ilang ministro ng INC sa kanilang programa sa TV ay hamunin muna ni Bro Eli si Pope John Paul sa Roma. Na kapag naka-debate na niya si Papa Pablo ay saka siya harapin ni Ka Manalo.

Ang sagot ni Bro Eli: “Ipadedebate n’yo sa akin ang Santo Papa eh naghihingalo na iyon”. Ano naman daw ang kinalaman ni Santo Papa sa kanila eh nasa Pilipinas sila at mahina na ang Santo Papa. Oo nga naman. Hehehe…

May napanood pa akong video, ang programang ‘Debate’ ni Oscar Orbos at Mel Tiangco, na guest sina Bro. Eli, pari at ilang pastor. Ang mainit na topic nila ay about election.

Sabi ni Bro Eli, hindi dapat dinidiktahan ng sinumang religious leader ang kanyang mga miyembro kung sino ang iboboto sa eleksyon. Dahil tinatanggalan mo rito ng karapatan sa pagpili ng kung sinong kandidato na gusto ng iyong miyembro. Ang labas mo rito, aniya, ay diktador.

At isa aniyang kahihiyan sa sekta na gumagamit pa ng Diyos sa pag-endorso ng kandidato tapos talo. Ibig sabihin, aniya, mahina ang Diyos nito kasi natalo ang inendorsong kandidato. Kahihi-yan aniya ito sa Diyos nito.

May nagtanong: Si Erap daw ay inendorso ng INC. Nanalo.

Ang sagot ni Bro Eli: “Eh anong nangyari kay Erap?” Na-impeach. Hehehe…

Inendorso rin daw ng El Shaddai (ni Bro Mike Velarde) si Erap. “Eh bakit hindi nila tinulungan si Erap?”, tanong ni Bro Eli tungkol sa pagka-alis kay Erap sa puwesto at pagkakulong pa nito.

Binira rin ni Bro. Eli ang evangelist na si Wilde Almeda ng Jesus Miracle Crusade. May papatong-patong pa raw ng kamay ng kandidato sa Bibliya, pero talo parin naman ang inendorso nito. Aray ko. Hehehe…

Mayroon ding mga Athiest na naka-debate si Bro Eli na nagmukhang tanga sa kanya. Ang sarap panoorin at pakinggan ng kanilang balitaktakan. Hehehe…

Yes! Marami pang videos ni Bro. Eli ng pakikipag-debate at pagpapaliwanag tungkol sa mga laman ng Bibliya ang mapapanood sa Facebook, lalo ‘yung ‘Itanong mo kay Soriano’

Sa pagyao ni Bro Eli Soriano, may papalit kaya sa kanyang mga miyembro sa ADD na kasinghusay niya? Tingin ko, wala!

Mami-miss natin ang katulad ni Bro Eli Soriano. Para sa akin, siya ang pinakamahusay na Pinoy mangangaral ng Bibliya. Rest in Peace, Bro Eli.

The post Wala na ang ‘Itanong mo kay Soriano’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Wala na ang ‘Itanong mo kay Soriano’ Wala na ang ‘Itanong mo kay Soriano’ Reviewed by misfitgympal on Pebrero 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.