SINIMULAN na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagbibigay ng second dose ng bakuna kontra COVID-19 sa healthcare workers sa Sta. Ana Hospital.
Ayon kay Mayor Isko Moreno, kabilang sa mga tinurukan sa ikalawang round si Manila Vice Mayor Honey Lacuna na isang doktor.
Bukod sa mga healthcare workers, nasa ikatlong araw na ngayon ang Maynila sa pagbabakuna sa senior citizens.
Isinasagawa ang vaccination program sa Sta. Ana Elementary School.
Sisimulan naman sa Miyerkules, Marso 31, 2021, ang pagbabakuna sa persons with comorbidities o ang mga taong may sakit.(Jocelyn Domenden)
The post 2nd dose ng COVID-19 vaccination sa healthcare workers sa Maynila umarangkada na appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
2nd dose ng COVID-19 vaccination sa healthcare workers sa Maynila umarangkada na
Reviewed by misfitgympal
on
Marso 30, 2021
Rating:
Walang komento: