KAYA raw hindi mapuksa-puksa ang coronavirus disease 2019 sa Pilipinas dahil matitigas ang ulo ng mga Pinoy, hindi sumusunod sa protocols.
Hindi totoo yan! Masunurin ang tayong mga Pinoy. Kaya lang naman tayo sumusuway ay kapag nagugutom, walang makain ang pamilya.
Oo! Madali lang ang sumunod sa kahit anong protocols ng gobyerno para hindi kumalat ang virus. Walang labasan ng bahay kahit ilang linggo o buwan? Okey! Pero dapat may sapat na ayuda, hndi 3 kilos lang ng bigas, delata at noodles. Isang araw lang itong kunsumo ng pamilya na may limang miyembro. Mismo!
Kung isang linggo ang lockdown, dapat may ayudang at least 10 kilos ng bigas at isang kahong de lata. Kung isang buwan, dapat 30 kilos ng bigas plus mga de lata. Kung walang ganitong ayuda, magugutom ang mga tao sa loob ng kanilang pamamahay, tiyak maglalabasan ang mga ito harangin man ng sibak, patay na kung patay. Mismo!
Naalala nyo ba last year, tatlong buwan din tayong sumailalim sa mahigpit na lockdown mula Marso 17 hanggang Mayo 31, 2020. Tapos ang tagal dumating ng kakapiranggot na ayuda. Hindi ba nagwala ang mga tao noon?! Pinagmumura ang kanilang mga ibinotong opisyal. Mga inutil daw! Hehehe…
Simula Mayo 31, 2020 ay napako na tayo sa quarantine, marami ang hindi nakabalik sa trabaho dahil hindi parin nagbubukas ang maraming negosyo, pati transportasyon limitado. Tapos ngayon, ito na naman… lockdown uli! Ano ang kakainin ng mga tao sa loob ng kanilang pamamahay kung walang ayuda ng gob-yerno?
Sabi ng Malakanyang, ihahanda pa raw ang ayuda. Ano??? Kailan pa darating ang ihahandang ito? Pag tirik na ang mga mata ng mga naka-house arrest na mamamayan?
Dapat bago ipatupad itong lockdown ay naka-deliver na ang mga ayuda para wala nang dahilan ang mga tao na lumabas ng kani-kanilang tahanan. Mismo!
Again… madali ang sumunod sa lockdown, gaano man ito kahigpit, basta may SAPAT NA AYUDA!!!
***
VIRAL ang pinost na larawan ni Pangulong Rody Duterte habang nagseselebreyt ng kanyang b’day sa kanilang tahanan sa Davao City.
Sa unang pinost na larawan, makikitang hinihipan ni Duterte ang isang kandila na nakatirik sa isang cup ng kanin na nagsisilbing cake, katabi nito ang isang plato na may lamang konting pansit.
Pinalalabas sa larawang ito na walang handa si Duterte sa kanyang b’day. Wala siyang panghanda, kahit pambili ng cake. Kawawa naman. Hehehe…
Kaso, nasira ang photo ops na ito nang may malokong nag-post ng video na puno pala ng masasarap na pagkain ang lamesa sa harap ni Pangulo. Tapos may hinipan siyang kandila sa tunay na cake na hawak-hawak ng isang babae, matapos niyang itabi ang isang cup ng kanin na may kandila. Buking! May masarap palang litson sa harap ni Pangulo, ‘di totoo na wala siyang handa. Hehehe…
Anyway, belated happy birthday, Mr. President!!!
***
Bakuna! Oo… bakuna!!! ang kailangan ng Pilipinas, hindi panay lockdown.
Ang dumating na bakuna sa bansa ay panay donasyon palang ng China at World Health Organization. Kulang 2 million doses palang ito. Healthcare workers palang ang priority turukan.
Next week, Abril, may darating raw uli na donasyon na nasa isang milyon. Para na raw ito sa seniors. Tapos sa Mayo ay magdadatingan na ang binili ng gobyerno. Bago matapos ang taon, inaasahang ma-deliver na ang 140 million doses na kailangan para maturukan ang target na 70 million Pinoy.
Keep safe, while waiting, mga pare’t mare… God bless sa ating lahat… Wala kaming isyu mula Huwebes hanggang Linggo!
The post Ang ayuda? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: