PINAGTATAGA ng 25-anyos na lalaki na sumasailalim sa psychiatric medication ang kanyang ama nang maburyong at sumpungin ng kanyang sakit sa Pastulan Vllage, Barangay Tipo, Hermosa, Bataan, Sabado ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Danilo Abrahan, 59 anyos, may asawa; habang ang salarin ay ang anak nitong si Erwin na may diperensya sa pag-iisip at sumasailalim sa gamutan ng isang psychiatrist sa Olongapo City.
Sa ulat, 3:00 ng madaling araw nang magising ang saksi na si Rosabel Abraham nang marinig nito ang sigaw ng ama na humihingi ng tulong habang tinataga ni Erwin na hinihinalang sinumpong ng kanyang sakit.
Kaagad namang nakahingi ng tulong si Rosabel sa kanilang mga kapitbahay at ipinagbigay alam sa pulisya ang pangyayari, subalit patay na nang datnan ng mga otoridad ang biktima sa bahay nito.
Nasa kustodya na ng pulisya si Erwin.(James de Jesus)
The post Daddy pinatay ng anak na may sayad appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: