DEDBOL ang apat na miyembro ng teroristang Dawlah Islamiyah (DI) ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa engkwentro ng militar sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon kay Lieutenant Colonel John Paul Baldomar, tagapagsalita ng 6th Infantry (Kampilan) at 6th CMO Commander, nakatanggap ng impormasyon ang Joint Task Force Central sa presensya ng mga terorista sa bulubunduking bahagi ng Barangay Saniag, Ampatuan, Maguindanao.
Agad binomba ng militar ang posisyon ng mga terorista gamit ang 105 mm Howitzers Cannon at sinundan ng air assault ng dalawang MG-520 attack helicopters ng Philippine Air Force.
Pinasok rin ng mga tauhan ng Ist Scout Ranger Battalion at 40th IB ang kuta ng BIFF.
Apat sa mga terorista ang nasawi at nakubkob ang tatlong kampo nito.
Narekober ng mga sundalo sa kuta ng BIFF ang anim na Improvised Explosive Device (IED) at ilang personal na kagamitan.
Patuloy pang nagsagawa ng combat clearing operations ang Joint Task Force Central laban sa BIFF sa bayan ng Ampatuan.
The post 4 teroristang BIFF dedbol sa airstrike sa Maguindanao appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: