PATAY ang 19-anyos na lalaki nang barilin ng pulis dahil sa hindi pagkakaintindihan sa Calamba, Laguna, Linggo ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Leovil Brian Pelletero, helper sa isang clothing business; at ang salarin ay si Police Corporal Javier Ian Medel ng Cabuyao Police.
Isinugod pa sa Global Medical Center ang biktima pero namatay rin dahil sa tinamong tama ng bala sa tiyan.
Ayon sa hepe ng pulisya ng Calamba PNP, Lieutenant Colonel Jonathan Villamor, agad namang sumuko si Medel sa Calamba City Police at nakakulong na.
Sa report, nag-iinuman sina Pelletero at Medel nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa na nagresulta sa krimen.
“Binaril niya agad. Kaunting pagkakamali papatayin niya agad,” ayon sa pinsan ni Pel-letero.
The post Binata binaril-patay ng kainumang pulis appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: