Facebook

Ex-mayor Sanchez sumailalim sa post mortem swab test

HINDI pa ma-awtopsiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang namayapang rape/murder convict na dating Calauan, Laguna mayor, Antonio Sanchez, dahil hinihintay pa ang resulta ng kanyang post-mortem swab test.
Ayon kay Bucor spokesperson Gabriel Chaclag, kapag nag-negatibo sa COVID 19 si Sanchez agad na isasagawa ang autopsy. Ngunit kung positibo, agad ike-cremate ang mga labi nito na ngayo’y nasa pag-iingat ng kanyang naulilang pamilya.
Idineklarang dead on arrival si Sanchez sa NBP Hospital noong Sabado ng umaga nang matagpuan ng kanyang mga kakosa na walang malay sa loob ng kanyang selda.
Huling nakitang buhay si Sanchez gabi ng Biyernes habang inaayos ang kanyang higaan.
Sinabi ni Chaclag na walang senyales ng foul play sa pagkamatay ni Sanchez, na may chronic kidney disease, hypertension, gastro enteritis, prostate issue at asthma.
Nahatulan si Sanchez ng habambuhay ng pagkabilanggo sa kasong rape with homicide kaugnay sa pagpatay sa UP Los Baños students na sina Eileen Sarmenta at boyfriend nitong si Allan Gomez noong 1993.

The post Ex-mayor Sanchez sumailalim sa post mortem swab test appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ex-mayor Sanchez sumailalim sa post mortem swab test Ex-mayor Sanchez sumailalim sa post mortem swab test Reviewed by misfitgympal on Marso 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.