KINUMPIRMA ng Philippine General Hospital (PGH) na puno na ng mga pasyente ang kanilang intensive care unit o ICU
Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario, ang 30 bed capacity ng ICU ng PGH ay okupado na ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Nasa 160 COVID-19 patients din, aniya, ang naka-admit ngayon sa PGH mula sa 190 bed capacity ng ospital.
Sa nasabing bilang ng naka-admit sa ospital, kasama na rito ang ilan nilang health care workers o HCWs.
Ang iba naman nilang HCWs na asymptomatic ay patuloy na nagpapagaling sa kani-kanilang bahay.
Sa mga COVID survivor, nanawagan si del Rosario na mag-donate ng kanilang convalescent plasma dahil kailangang-kailangan ngayon ng mga pasyante ng PGH.
Maari umanong maging donor kapag “fully recovered” na ang COVID-19 survivor at nagkaroon ng “least moderate symptoms”. (Jocelyn Domenden)
The post ICU ng PGH puno na ng pasyente! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: