Facebook

10 Manila medical frontliners na nabakunahan tinamaan ng COVID 19

HINIHIKAYAT ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga medical frontliner sa lungsod na samantalahin ang pagkakaroon ng bakuna kontra coronavirus.
Kasabay ito ng pagdating ng 1,870 doses ng Sinovac at 1,000 doses ng AstraZeneca nitong Miyerkoles.
Nitong Huwebes, inaasahan na dadalhin na ang mga bagong dating na Sinovac doses sa Sta. Ana Hospital at sa Ospital ng Maynila naman ide-deliver ang AstraZeneca vaccines.
“Ako nananawagan sa mga doctors, nurses, other medical frontliners at other employees who are also involved in medical frontlines. Huwag na kayong maghintay nang maghintay. Sayang ang pagkakataon,” apila ni Moreno.
Sinabi ng alkalde na ipinatutupad ang, ‘first come, first served’ policy sa mga nais mabakunahan.
Inanunsyo rin ng alkalde na simula nang ikasa ang vaccine rollout sa lungsod, 102 medical frontliners ang tinamaan ng sakit at 92 sa kanila ang hindi pa nabakunahan, samantalang ang 10 ay naturukan na ng anti-COVID 19 vaccines.
“Yung 10 na bakunado at na-infect ng COVID 19 are doing well so far. Kahit papaano ay may panlaban sila sa virus,” dagdag pa ng alkalde. (Jocelyn Domenden)

The post 10 Manila medical frontliners na nabakunahan tinamaan ng COVID 19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
10 Manila medical frontliners na nabakunahan tinamaan ng COVID 19 10 Manila medical frontliners na nabakunahan tinamaan ng COVID 19 Reviewed by misfitgympal on Marso 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.