Facebook

Ret. Justices pasok na sa politika

HINDI na marahil masikmura ng mga honorableng nagretirong Justices ang napakababa at napakasama nang politika sa bansa kaya pinangunahan na ng mga ito ang pagbuo ng grupong may kakayahan magpabangon sa nalugmok na moralidad, ekonomiya at nababoy na mga batas sa Pilipinas sa 2022.

Pinangunahan nina retired Supreme Court Justice Antonio Carpio at Conchita Morales ang pagtayo ng ‘1Sambayan’ party na binubuo ng sectoral groups para sa pagporma ng tiket ng national candidates na isasabak sa 2022 elections.

Si Carpio ay may malinis na rekord bilang alagad ng hustisya sa mahabang panahon. Tinanggihan niya noon ang alok ni Pangulong Rody Duterte na maging Chief Justice sa rason na ayaw niyang maging “tuta” ng administrasyon at sa mithiin niyang mapalayas ang naghaharing Chinese military ships sa West Philippine Sea na sinasakop ng China.

Si Pangulong Duterte ay tameme sa pananakop ng China sa WPS. Tila inayunan pa niya ang ‘di pagkilala ng China sa napanalunang kaso ng Pilipinas sa Permanent Court ng Arbitration noong Hulyo 12, 2016, kungsaan ang arbitral tribunal ay nagdesisyon pabor sa Pilipinas laban sa China. Si Carpio ang isa sa mga nakipagpitpitan ng bayag sa kasong ito laban sa China.

Sabi ni Carpio, ang 1Sambayan ay partido ng “democratic forces” na susupil sa mga lantad sa “may kapangyarihan, diktador, mga pagpatay, pandarambong, at paglabag sa mga karapatang pantao”.

Kinokonsidera ni Carpio sa coalition na ito sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, mga Senador na sina Nancy Binay at Grace Poe.

Sabi ni Carpio, nanalo si Duterte noong 2016 dahil sa maraming kandidato ang naglaban, nahati ang boto nina Grace Poe at Mar Roxas. Tumakbo rin noon sina Jojo Binay at late Miriam Santiago.

Si Duterte ay nanalo ng plurality votes, nakakuha ng mahigit 16 milyon, mula sa mahigit 54.4 registered voters noong 2016. Ang registered voters noong 2019 ay mahigit 60 milyon na, at nasa 15 milyon pa ngayon ang ‘di rehistrado para sa 2022 elections. Kasalukuyan nang bukas ang voters registration sa Comelec. Puros kabataan ang new voters.

Itinutulak ngayon ng supporters ni Duterte ang Duterte-Duterte (mag-amang Sara at Rody) tandem o kaya’y Go-Duterte (mag-among Bong Go at Rody). Sila ang kasalukuyang nangunguna sa surveys.

Wala pa namang anunsyo ang 1Sambayan maging ang kampo nina Robredo, Poe, Binay, at Isko tungkol sa coalition.

Pero ayon sa aking source, nagpupulong-pulong na sina Poe, Binay at dating Senador Antonio Trillanes na numero unong kritiko ni Duterte.

Sina Poe at Isko ay malakas sa surveys ng SWS, Pulse Asia at OCTA Research, pero sa social media survey ay nangunguna si Robredo.

Paulit-ulit na sinasabi ni Isko na ‘di pa niya iiwanan ang Maynila. Pero sa daming bilyonaryong umuurot sa kanya ay baka kumasa ito. Hehehe…

Si Robredo naman ay nagsabing gusto niyang bumalik sa lokal (CamSur), pero bukas daw siya sa pagka-pangulo.

Si Poe naman ay tapos na ang termino sa Senado. Wala siyang ibang choice kundi ang umakyat o bumaba sa lokal.

Sa Oktubre na ang filing ng Certificate of Candidacy (CoC). Malapit na ito, pitong buwan nalang… Abangan!

The post Ret. Justices pasok na sa politika appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ret. Justices pasok na sa politika Ret. Justices pasok na sa politika Reviewed by misfitgympal on Marso 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.