Facebook

Pekeng oposisyon

BALAI AZINAN, CALATRAVA, ROMBLON – WALA sila sa paligid nang umupo si Rodrigo Duterte bilang pangulo ng bansa. Hindi sila kumibo o nagbigay ng anumang pahayag nang abusuhin ni Duterte ang poder ng pangulo. May mga pagkakaton na bahagi sila ng naghaharing koalisyon ni Duterte at kasama sila sa paglilok ng mga mapang-aping polisiya ng bansa.

Dahil naitsa-puwera sila o talaga lang masikip ang puwang sa koalisyon ni Duterte, bigla silang nagsulputan na sa salita ng isang kaibigan “parang kabute sa tag-ulan” at pumostura na oposisyon kontra kay Duterte. Mahirap paniwalaan, ngunit nangyayari ngayon.

Madali pumostura na oposisyon. Palpak si Duterte. Walang naidulot na maganda ang mga programa sa gobyerno kung mayroon man. Isang kabiguan ang kanyang digmaan kontra ilegal na droga. Palpak ang pagharap niya sa pandemya. Totoong nauwi sa mas masama ang pandemya; mahigit 600,000 ang tinamaan ng Covid-19 at 12,000 sa mga biktima ang mga nangamatay. Hindi totoo na “excellent” ang pangangasiwa sa pandemya.

Hindi alam ni Duterte ang gagawin. Mistulang isang manok na tinagpas ang ulo. Hilo at litong-lito. Pinagtatawanan si Duterte sa loob at labas ng bansa. Masahol pa sa komedyante ang tingin sa kanya ng marami. Hindi niya kaya ang mamuno.

Kaya ang pinakamadaling gawin ng mga napag-iwanan ay magpanggap na oposisyon. Walang may copyright bilang oposisyon. Puwede kahit sino. Banatan si Duterte ng walang patumangga ay oposisyon na. Matuto lang magmura, maaari na niyang angkinin ang oposisyon. Sabi ng ilang tagamasid, hindi oposisyon ang mga iyon kundi pumoposisyon lamang.

Madaling malaman ang totoong oposisyon. Sila ang sa umpisa pa lamang ng panunungkulan ni Duterte, tumatanggi sa panuntunan at patakbo ni Duterte sa gobyerno lalo na sa usapin ng karapatang pantao. Sila ang nagsabing buong-buo ang kanilang pananalig at paninindigan sa Saligang Batas at demokrasya ng bansa.

Sila ang mga taong tumatayo sa pagpapalakas at pagpatining ng mga demokratikong institusyon at proseso. Sila ang mga taong nagproprotesta sa pamamayani ng China sa bansa. Sila ang mga hindi Makapili na katulad ni Duterte.

Leni Robredo, Sonny Trillanes, Kiko Pangilinan, Frank Drilon, Leila de Lima, Risa Hontiveros, Tom Villarin, Gary Alejano at iba pa na hindi sang-ayon kay Duterte. Isama sa listahan ang mga hindi pulitiko na tulad ni Tony Carpio, Conchita Carpio-Morales, Bro. Armin Luistro, Samira Gutoc, Romy Macalintal, at iba pa. Mahaba ang listahan at paumanhin sa mga nabanggit.

Binuo nila ang 1Sambayan bilang koalisyon ng mga oposisyon. Ito ang mekanismo upang piliin ang mga kandidato ng tunay na oposisyon sa pangulo, pangalawang pangulo, at 12 senador sa halalang pampanguluhan sa 2022.

***

MGA PILING SALITA: “I still cannot forgive Grace Poe for what she did in 2016. PNoy picked her up from obscurity, appointed her as MTRCB Chair and included her in the administration ticket and even topped the senatorial elections in 2013. In 2016, PNoy and Mar Roxas tried to convince her to withdraw from her presidential bid and slide down to the latter’s VP running mate in order not to divide the votes. She refused and listened more to her whisperer, Chiz Escudero, her running mate for VP. She betrayed PNoy. Had she withdrawn, Roxas could have won as President and she could also have won as VP. Instead, Duterte won. If we combined Roxas’ and Poe’s votes, Roxas could have won over Duterte by about 2 million votes if my math is correct. We can say that Poe has blood on her hands in the maladministration of Duterte. She is such an opportunist and an ingrate par excellence!” – Sahid Sinsuat Glang, retiradong sugo

“There’s no way to think the madman is succeeding. He’s a total failure. Only a crackpot thinks he’s succeeding. Not in any way.” – PL, netizen

***

MALAKAS ang loob na ipangako ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang bakuna sa 70-80 milyon Filipino ngayon taon. Isa lang problema niya: Nasaan ang bakuna? Mayroon isang milyon doses ang bakuna na mayroon tayo sa ngayon at pawang mga donasyon. Ngunit kailangan natin ng hindi lalampas sa 190 milyon doses. Teka, may isa pang problema: Nasaan ang mga lugar ng bakunahan? Wala naman inihandang plano si Francisco Duque III.

Hindi namin alam kung may katinuan ang pag-iisip ni Galvez. Hindi niya alam ang sinasabi niya. Hindi niya alam na bangag ang kanyang presidente. Mabuti kung nagkakasundo sila at nag-uusap sa paglutas ng pandemya. Kaya nga pinagtatawanan sila. Mas lalo lamang lumulubha ang pandemya sa kawalan nila ng paninindigan at masinop na pagkilos.

***

SAPAGKAT nasa timon ng 1Sambayan ang ilang tao na matindi ang pagsalungat sa panunuwag ng China sa Filipinas, makakakaasa ang sambayanang Filipino na hindi ito kakampi sa China. Isa si Carpio sa mga dalubhasa sa usapin ng Spratlys at marami siyang isinulat tungkol sa pangangakam ng China sa mga isla at yaman-dagat ng exclusive economic zone (EEZ) ng Filipinas. Si del Rosario ang kalihim ng DFA na isakdal ng Filipinas ang China sa Permanent Arbitral Commision ng UNCLOS sa The Hague.

Hindi makakahinga ng maluwag si Duterte sapagkat hindi mga pipitsugin at patapon na nilalang ang mga nasa 1Sambayan. Hindi sila katulad ng mga abugadong palpak na nasa ilalim niya. Hindi sila Harry Roque, Sal Panelo, o Jose Calida. May mga iniingatang reputasyon ang mga nasa 1Sambayan. Hindi ipagbibili ang bayan at ang kanilang mga sarili.

***

MATAPOS sabihin ni Kiko Pangilinan na hindi siya tatakbo sa mas mataas na posisyon sa 2022, malinaw na dalawa pagpipilian ng 1Sambayanan: Leni Robredo o Sonny Trillanes. Hindi pa malinaw kung tatakbo o hindi si Leni. Ikinatwiran niya sa ilang pribadong pag-uusap na hindi siya handa sapagkat wala siyang salapi na itutustos sa kampanya. Wala siya kahit isang bilyon piso.

Pabiro niya nasabi na magdedesisyon siya sa Septiembre. Pabiro lang iyon. Alam niya na hindi puedeng paabutin sa Septiembre ang desisyon. Demonyo ang mga kalaban at gagawin ang lahat manalo lamang. Kahit lumuhod si Duterte kay Xi Jin ping at halikan ang kanyang puwet. Nagpuputak ng walang habas ang mga bulag na tagasuporta ni Leni kahit hindi nauunawaan ang usapin. Hayaan umano si Leni magdesisyon.

Tanga iyong isang matandang uugod na taga Camarines Sur. Akala mo siya ang magbibigay ng bilyon piso kay Leni. Magaling siyang magsabi kung ano ang dapat gawin ngunit ang kaya nilang ibigay sa kampanya ni Leni ay P500.

Kaunting lamig lang mga panatiko. Hindi kayo ang bida sa halalan. Tagangawa lang kayo. Ean

Sana lang tumakbo si Leni. Paano kung sa Septiembre magdesisyon si Leni at sabihin na hindi? Nganga kayo.

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post Pekeng oposisyon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pekeng oposisyon Pekeng oposisyon Reviewed by misfitgympal on Marso 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.