Kulong ang hepe ng intelligence section nang madakip ng kanyang mga kabaro sa entrapment operation sa pangingikil ng P3,000 nitong Biyernes ng hapon sa Cebu.
Kinilala ang naarsto na si P/Executive Master Sergeant Julius Medura Obañana, hepe ng Intelligence Section ng Carmen Police Station.
Ayon sa ulat, 1:30 nang hapon nang madakip ang suspek sa nasabing bayan.
Sa report, humingi ng tulong sa otoridad ang isang ina na nahuli ang anak sa buy-bust operation nang hingan ng P3,000.00 para makuha ang motorsiklo ng anak na hindi nailagay sa spot report bilang ebidensya.
Agad na inilatag ang operasyon laban kay Obañana at aktong nakuha nito ang marked money ay agad siyang pinosasan ng kanyang mga kabaro.
Nakuha kay Obañana ang service firearms na Glock 9mm pistol na may bala, marked money na P3,000 at kanyang identification card (ID) na isang pulis.
Nahaharap sa patung-patong na kaso ang suspek at posibleng masibak sa serbisyo.
The post Intel chief kulong sa kotong appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: