Facebook

‘Laban sa muling pagbangon ng Pinas’ – Pacquiao

SA panahon ngayon nababalot ng takot at karahasan, patayan, kurapsiyon, kawalan ng trabaho at pagkalat ng sakit, ang bansa natin kung saan nahaharap tayo sa matinding pagsubok at maitatala na isa itong pinakamalagim na panahon sa kasaysayan ng pinakamamahal nating bansang Pilipinas na dapat masolusyunan.
Ayon nga kay Senator Manny Pacquiao paano nga ba tayo makakaahon sa ganitong sitwasyon?
Aniya, dapat may ‘fighting spirit’.
“I’ve always fought for my country, in my own way, showing that Filipinos are a strong people and can do anything that they put their minds to,” Sen. Pacquiao.
At dahil Pilipino tayo, hindi tayo susuko. Lalaban tayo para sa bayan, gaya ng pagpupursigi ni Senator Manny Pacquiao para sa mga Pilipino.
Para kay Pacquiao dapat naiintindihan kung paano ‘magtagumpay sa hirap’.
“I remember as a little boy I ate one meal a day and sometimes slept in the street. I will never forget that and it inspires me to fight hard, stay strong and remember all the people of my country, trying to achieve better for themselves,” Pacquiao.
Sa ngayon, hindi na natin kailangan ng isa pang hacindiero o anak-mayaman sa gobyerno. Tayo ay nayon ng mahihirap, at ang dapat nating maging pinuno ay ‘yung taong nakakaintindi rin ng hirap.
Na dapat ‘matibay ang loob’.
“I want the people of the Philippines to be happy, even if they have nothing,” mariin sinabi ni Senator Manny.
At alam naman nating mahirap tayo, pero kaya pa rin nating maging masaya. Ganyan katibay ang mga Pilipino, kayang mag-tiis sa wala. Pero siyempre, hindi lang tayo matiisin. Marunong din tayo gumawa ng paraan!
Tahasang sinabi ni Pacquiao na dapat ang isang tao ‘hindi sumusuko’ para makamit ang tagumpay sa buhay.
“Anyone will succeed in whatever field of endeavor in life by acquiring the same virtues and character that boxing world champions do – dedication, perseverance, courage, extreme self-discipline, and prayers.”
Payo pa ni Pacquiao na mapagpursigi tayong mga Pilipino, kaya nating harapin ang lahat dahil nananaig sa atin ang pagmamahal natin sa ating pamilya, sa ating bayan, at sa ating Diyos. Para sa kanila, kayang-kaya natin kumayod!
At higit sa lahat dapat may ‘takot sa Diyos’.
“The most important thing … is the name of the Lord. The name of the Lord will be glorified. I want to let the people know that there is a God who can raise people from nothing into something. And that’s me. I came from nothing into something,” Senator Manny Pacquiao.
Tunay tayong aahon kung may pananampalataya tayo sa Diyos dahil gagabayan niya tayong gawin ang tama. Gaya ng pinagdaanan ni Senator Manny Pacquiao mula sa kahirapan, kaya ng Pilipinas umahon. Basta may takot at paniniwala tayo sa Diyos, hindi tayo susuko. Lalaban tayo!

The post ‘Laban sa muling pagbangon ng Pinas’ – Pacquiao appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Laban sa muling pagbangon ng Pinas’ – Pacquiao ‘Laban sa muling pagbangon ng Pinas’ – Pacquiao Reviewed by misfitgympal on Marso 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.