SASAILALIM sa libreng operasyon ang lalaking taga-Kidapawan City upang matanggal ang blade ng kutsilyo na higit 1 taon nang nakabaon sa loob ng kaniyang katawan.
Ayon kay Dr. Joel Nelton Sungcad, hepe ng North Cotabato Provincial Hospital, nakausap na niya ang pamilya ng 25-anyos na si Kent Ryan Tomao at hinihintay nalang na umuwi ito ng Kidapawan City mula Agusan del Sur para maoperahan.
Ayon pa kay Sungcad, dahil naghahanap ng trabaho si Tomao, baka bigyan din siya nito ng ospital, depende sa kuwalipikasyon nito.
Sa ulat, Enero 2020 ay isinugod si Tomao sa North Cotabato Provincial Hospital nang masaksak ng grupo ng mga binatilyo sa Kidapawan.
Sa panayam kay Tomao, ikinuwento nito na 4 oras siyang naghintay para maasikaso ng ospital nang masaksak.
Nang dumating ang doktor, sinabihan umano siyang hindi na ito kailangan magpa-X-ray dahil mababaw lang naman ang sugat kaya tinahi ito agad.
Makalipas ang 14 buwan, natuklasang nakabaon pala sa katawan ni Tomao ang kutsilyo.
Nagpa-X-ray si Tomao noong nakaraang linggo bilang requirement sa kaniyang pag-a-apply ng trabaho sa Agusan del Sur.
The post Lalaki may kutsilyong nakabaon sa loob ng katawan libreng ooperahan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: