Facebook

‘On’ and ‘off’ mga negosyo sa lockdown

LOCKDOWN na naman!

Sarado na naman, ‘on’ and ‘off’ ang mga negosyo sa Bulacan, Metro Manila (National Capital Region), Rizal, Cavite at Laguna.

Ang mga lugar na ito ang isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) o lockdown simula ngayong ha-ting-gabi (Marso 29) hanggang Abril 6, 2021.

Op kors walang labasan uli ang mga tao. Ang init pa naman ng panahon. Kawawa ang mga nakatira sa barong-barong, malilitson sila sa singaw ng init ng kanilang bubong mula 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Ano pa nga ba ang dahilan ng muling pagpatupad ng lockdown kundi ang pagsirit ng Covid-19 cases na higit 9,000 plus na kada araw.

Sinisisi rito ng gobyerno ang ‘di raw pagsunod ng mga tao sa health protocols tulad ng social distancing, pagsuot ng facemask, shield, at ‘di hustong paghuhugas ng mga kamay. Mga ulol!

Eh bakit silang mga nagpapatupad ng protocols ay na-hahawaan din ng virus? Ibig sabihin, ‘di rin sila sumusu-nod sa protocols. Mismo!

Unang ipinatupad ang ECQ sa bansa Marso 17 hanggang Mayo 31, 2020. Tatlong buwan iyon na wala tayong labasan ng bahay para lang mapuksa ang Covid-19, na ayon sa mga eksperto ay nalulusaw in 14 days, na unang natuklasan sa Wuhan, China Nobyembre 2019.

Sa 3 months or 90 days lockdown noong 2020, nahinto ang maraming negosyo, infras at transportasyon. Naging jobless ang marami sa atin hanggang ngayon… Gutom!

Pero hindi naman nalusaw ang virus in 90 days ECQ na iyon, sige parin ang hawaan… tumindi pa nga! Dahil naman daw ito sa mga variant ng virus na mas mabilis makahawa. Ganun?

Sa mga bansa sa Southeast Asia, ang Pilipinas nalang ang patuloy sa pagtaas ang bilang ng Covid-19 cases, ang dating nangungunang Indonesia ay palusaw na ang virus sa kanila, habang ang Singapore, Thailand, Vietnam at Myanmar ay zero case na, balik na sila sa normal.

Ang mga karatig bansang nabanggit ay nagsasagawa narin ng kanilang mass vaccination program, patapos na nga sila.

Again, ang Pilipinas uli ang napag-iiwanan sa pagbabakuna sa mga mamamayan. Ang dahilan: Palpak ang mga namumuno, puros lang yabang at pangako.

Mantakin nyo mga pare’t mare, trilyon na ang inutang ng gobyerno pambili ng bakuna, hanggang ngayon ay wala paring dumarating na gamot maliban sa donasyon ng World Health Organization at China, na ang top priority palang na bakunahan ay healthcare workers.

Ang palusot dito ng gobyerno, ni Pangulong Rody Duterte ay pinakyaw daw ng mayayamang bansa ang mga naunang ginawang bakuna. Eh bakit ang pinakamahirap na bansa ng Bangladesh ay nakabili ng bakuna at patapos na sila sa kanilang mass vaccination program!

Hindi nga ba’t Hunyo 2020 pa ay sinabi na sa atin ni Duterte na oras magkaroon ng bakuna ay unang-una ang Pilipinas magkaroon nito dahil labs daw tayo ng China at Russia na naunang nakagawa ng bakuna. Eh patapos na ang dalawang bansang ito sa pagbabakuna sa kanilang mamamayan, ang Pilipinas nganga!

Sa dami ng ipinangako ni Duterte sa atin, ang natupad lang ay ang pagkawala ng “laglag bala” sa airport.

Anyway, binabati natin ang Pangulo sa kanyang 76th birthday ngayon. Naka-isolate daw ito ngayon sa kanyang bahay sa Davao City. Ewan!

The post ‘On’ and ‘off’ mga negosyo sa lockdown appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘On’ and ‘off’ mga negosyo sa lockdown ‘On’ and ‘off’ mga negosyo sa lockdown Reviewed by misfitgympal on Marso 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.