NANAWAGAN kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno” Domagoso ang nabalo ng pinaslang na Manila Prosecutor na si Jovencio Senados na tulungan siya at ang kanyang pamilya na kamtin ang hustisya.
Ginawa ni Nerissa Senados sa pamamagitan ng ‘bukas na liham’ ang panawagan kay Mayor Isko sa ikawalong buwan na paggunita sa pagpaslang kay Prosecutor Senados sa Paco, Manila noong Marso 7, 2021.
Sinabi ni Nerissa na umaasa sila ng malaking tulong kay Mayor Isko para itulak ang Manila Police District sa ilalim ni Brigadier Gen. Leo Francisco na puspusang mag-imbestiga sa kaso.
Si dating BGen. Rolando Miranda ang pinuno ng MPD nang maganap ang krimen.
Sa kuha ng CCTV sa lugar, nakitang pinabagal ang kotseng sinasakyan ni Senados ng isang nasa unahan nito at tinatapatan ng isa pang sasakyan at pinaulanan ng bala ng baril sa kanto ng Quirino Highway at Anakbayan St. 11:00 ng umaga.
Nakaligtas ang driver ni Senados na si Ernesto dela Cruz at nakuha naman sa isa pang CCTV footage na mula pa sa Calamba, Laguna ay sinusundan na sila sa mga salarin at isinagawa ang pagpaslang makaraan bumaba sila sa Skyway at patungo na sa opisina ng biktima sa Manila Regional Trial Court.
Sumunod naman ang kautusan mismo ni Justice Secretary Menardo Guevarra kay National Bureau of Investigation sa ilalim ni Director Dante Gierran na tugisin, kilalanin at iharap sa hukuman ang mga salarin gngunit walang nangyari.
Pinamumunuan ang NBI ngayon bilang officer-in-charge ni Eric Distor.
Hanggang sa ngayon ay wala pang malinaw na bunga ng mga imbestigasyon at aksyon ng MPD at NBI.
(Jocelyn Domenden)
The post Misis ng pinatay na Manila Prosecutor nagpasaklolo na kay Mayor Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: