Facebook

‘Ninja cops’ tama lang kalusin

ISA na namang pulis na “peste” sa hanay ng pambansang pulisya ang dinukot ng maskaradong grupo sa Bulacan nung Biyernes, Marso 5, 2021.

Ito’y si Corporal Nikkol John Santos na nakatalaga sa Pandi, Bulacan Municipal Police Station.

Si Santos ay kabilang raw sa “high value target” ng Philippine National Police (PNP).

Sabungero raw itong si Santos at nagmamay-ari ng farm ng mga panabong na manok. Suki nga raw ito ng sabungan sa Bulacan at malakas pumusta.

Hindi biro ang magmintina ng farm ng mga panabong. Napakagastos nito. Kailangan kumikita ka ng higit P50K a month para mapatuka ng maayos na feeds at bitamina ang mga panabong mo mula sa pagka-sisiw.

Kaya kuwestiyunable talaga kung paano natutustusan ng isang Korporal na sumasahod ng P30,867 a month ang kanyang farm at pumupusta ng daang libo sa bawat sultada.

Si Santos ay dinukot ng armadong maskmen na sakay ng Starex van sa may Sitio Padling, Barangay Matictic, Norzagaray Biyernes ng umaga habang ito’y papunta sa kanyang farm kasama ang dalawa pang kaibigan na mga nakasakay sa dalawang motorsiklo. Hinarang sila ng maskmen at si Santos lang ang dinala.

Noong Biyernes din ng umaga ay tinambangan ang tatlong pulis sa Purok 15-B, Barangay Polonuling, Tupi, South Cotabato.

Nasawi rito si Staff Sergeant Reynante Espero, habang sugatan sina SSgt Jorex Velasco at SSgt Rey Jerome Selvederio na pawang nasa floating status dahil sa mga kinakaharap na kasong administratibo.

Noong Pebrero 18 ng taon ay dinukot din ang isang Corporal Allan Hilario mismo sa kanyang duty sa Manila Police District (MPD) Station 11 PCP sa Sto. Cristo, Binondo, Manila.

One week after, Peb. 24, ay dinukot naman si Patrolman Real Lopez Tesoro ng MPD Station 7, Tondo, Manila.

Kinuha si Tesoro ng armadong maskmen sa harap ng kanyang maybahay sa kanilang tahanan sa V. Mapa Extention, Barangay 601, Manila bandang 10:00 ng umaga. Isinakay din siya sa van.

Sina Hilario at Tesoro ay sinasabing suspek sa P40 million at P8 million hulidap sa Chinese na operator ng POGO.

Hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang mga pulis na ito.

Sabi ni MPD Director, General Francisco, ‘pag hindi pa lumutang ngayong buwan sina Hilario at Tesoro ay considered AWOL na sila, wala silang makukuhang anumang benepisyo sa PNP.

Paano pa lulutang ang mga dinukot na pulis na ito kung 6-feet-below the ground na ang mga ito o kaya’y tsinaptsap na ang mga ito?

Ang nakapagtataka nga rito ay hindi manlang nagsasa-lita ang PNP Chief sa sunud-sunod na pagdukot sa mga pulis na ito. Why o why?

Well, kung anuman ang nasa isip nyo, ‘yun din ang nasa isip ko.

Kaya ‘yung mga pulis dyan, tutal napalaki na ng suweldo ninyo, kumpleto pa kayo ng benepisyo mula sa taxpayers money, magpakabuti na kayo, ‘wag nang gumawa ng kagagohan na ikawawala nyo sa serbisyo.

Dinoble ni Pangulong Digong ang inyong sueldo para hindi na kayo sumanib sa anumang sindikato lalo sa droga at hulidap para kumamal ng salapi. Makuntento na kayo sa inyong sahod at magserbisyo ng tapat sa mamamayan, ayon sa inyong sinumpaang tungkulin sa gobyerno.

The post ‘Ninja cops’ tama lang kalusin appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Ninja cops’ tama lang kalusin ‘Ninja cops’ tama lang kalusin Reviewed by misfitgympal on Marso 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.