NASABAT ng mga mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang nasa P13.6 million halaga ng iligal na droga sa mail parcel.
Kinilala ni PNP Chief, Gen. Debold Sinas, ang naaresto na si Jayson Quijoy, 37 anyos, ng Bago Bantay, Quezon City.
Sa ulat, nahuli si Quijoy sa may bahagi ng Pantaleon St., Barangay Guyong, Sta. Maria, Bulacan habang dini-deliver nito ang iligal na droga.
Ayon kay Sinas, modus na ng mga sindikato na gamitin ang mga parcel service para makabenta ng iligal na droga.
Ayon naman kay PDEG Director, Brigadier General Ronald Lee, si Quijoy ang consignee ng parcel na ipinadala ng Glus SDN BHD ng 18G Jalan SG 3/2 Taman SRI Gombak 68100 Batu Caves, Selangor, Malaysia na una nang hinarang ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.
Idiniklara ang naturang parcel na “steamboat with grill” na naglalaman ng 2,003 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6M.
Personal na tinanggap ni Quijoy ang nasabing parcel sa ibinigay nitong address sa Sta. Maria. Agad siyang inaresto ng mga operatiba nang tanggapin ang parcel sa courier service. (Gaynor Bonilla)
The post P13.6m shabu nasabat via mail parcel appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: