NASABAT ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 324 piraso ng giant clam shells na tinatayang nasa P160 milyon ang halaga sa Barangay VI, Johnson Island, Roxas, Palawan.
Kasama ng PCG ang Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS), Marine Battalion Landing Team 3 (MBLT-3), at Bantay Dagat Roxas sa isinagawang operasyon.
Ayon sa PCG, walang umamin kung sino ang nagmamay-ari ng mga shell na umano’y isa sa pinakamalaking na-harvest na mga taklobo sa Palawan.
Batay sa teyorya, ginagamit ang clamp shells bilang dekorasyon, chandelier, ginagawang botones, o dinudurog para gawing gamot.
Iligal ang pagkuha ng taklobo, ayon sa PCG. Ipinagbabawal ito sa ilalim ng Republic Act No. 10654, The Philippine Fisheries Code of 1998. May multang P3 milyon at parusang pagkabilanggo ng walong taon ang lalabag dito.
Nabatid na mga anim na buwan hanggang isang taon nang na-harvest ang mga taklobo mula sa El Nido hanggang baybayin ng Roxas.
Nadiskubre rin ang 124 puno ng mangrove na iligal na pinutol sa lugar. Kinumpiska ito ng PCG dahil sa paglabag sa Presidential Decree No. 705 o Forestry Reform Code of the Philippines. (Jocelyn Domenden)
The post P160m giant clam shells nasabat ng Coastguard appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: