NAGTANONG minsan ang isang mausisang netizen kung bakit ang mga propagandista ng gobyerno ang palaging sumasabit sa mga fact check ng iba’t-ibang organisasyon sa media. Tinanong niya kung bakit ang mga isinusulat nina Mocha Uson, Jay Sonza, Stinking Pinoy, at iba pa ang palaging idineklarang “fake news” ng rappler.com, Vera Files, Agence France Presse at iba pang organisasyon at kaagad na inaalis sa social media? Dagdag nya: Hindi ba nagkakamali ang ibang manunulat na tulad ninyo at idineklarang fake news ar inaalis din?
May katwiran na magtanong ang aming kaibigan na netizen. Tama ang kanyang obserbasyon at palaging sina Mocha Uson at iba pa ang tinatamaan ng fact check sa social media. Sa unang tanong, simple ang sagot. Hindi nagsusulat sina Mocha Uson at iba pa upang magpaliwanag ng mga usapin lalo na iyong kailangan na ipaliwanag. Nagsusulat sila upang manggulo, manloko, at suportahan ang kanilang amo na walang iba si Rodrigo Duterte. Bukod sa panlilinlang, inililigaw nila ang sambayanan o iginigiya at dinadala ang mga mambabasa sa pananaw na taliwas sa katotohanan at katwiran.
Sa pangalawang tanong, nagkakamali kami. Hindi kami iba sa mundong ibabaw. Ngunit may paraan sa pagwawasto ng mga pagkakamali. Hayaan ninyo ikuwento ang aming personal na karanasan tatlong taon na ang nakakalipas. Minsan, nagkamali kami sa pagkilala ng pinagdausan ng isang pulong tungkol sa karapatang pantao. Walang nakapansin kahit marami ang nakabasa sa aming post sa social media account. Ngunit hindi diyan natapos.
Napansin ang pagkakamali ng isang kaibigan na premyadong mamamahayag. Nagpadala siya na isang kalatas, o private message, na pinapayuhan kami sa aming pagkakamali. Ibinigay niya ang tamang lugar at may paalala. Iwasto mo ang isinulat mo at baka masabi tayong gumagawa ng fake news sa social media. Nagpasalamat kami at kagyat na iwinasto ang aming pagkakamali. Nagdadalahan kami-kami at pinakaayaw namin na masabing nagbibigay kami ng fake news. Kami-kami ay nagpapansinan. Hindi lumalaki ang gulo, sa madaling salita.
***
HINDI nakakapagtaka na hindi ginagamit ang mga pro-government blogger sa kampanya na gumawa ng ingay para sa mga kandidato ng naghaharing grupo – ang pangkat ng Davao City. Kung sino-sinong pulitiko at taga-ingay ang ginagamit sa pagpapalutang ng ingay. Nandiyan pa si Harry Roque at Sal Panelo sa ingayan. Tuwang-tuwa si Harry at Sal sapagkat may silbi sila. Napansin sila sa media.
Malakas ang kanilang ingay sa kung ano-ano. Ani ng kapuwa kolumnista Bobot Fradejas sa kanyang social media account: ” Nakakamangha ang mga ideya ng mga nasa gobyerno kung paano harapin ang pandemic; utang, patayan, ChaCha, RevGob, motorcycle barrier, run Sara run at ngayon naman Public Display of Affection o PDA.” Wala pa ang “Go Bong Go Go” at “Bong Go sa pagbabago” na pawang pinagtatawanan. Walang magkjlik sa imahinasyon ng publiko.
Sa gitna ng ingay, tumambad ang katotohanan na pawang mga kakampi ng China ang mga nag-iingay at wala silang ibang pakay kundi manatili sa poder at ipagpatuloy ang impluwensiya ng China sa Filipinas. Pawang mga taksil ang nasa poder.
***
UNA nilang ipinalutang ang “Run Sara Run” sa madla. Santambak na tarpaulin ang ikinalat sa buong Filipinas. Mahina ang dating sa mga ta ng nabigong kampanya; halos wala. Hindi nag-klik at inalis lamang ang mga tarpaulin na parang binugaw na langaw.
Ngayon, ipinalutang ang “Go Bong Go Go” at “Bong Go sa Pagbabago.” Hindi nakikiliti ang imahinasyon ng mga tao sa walang kuwentang propaganda. Pagbabago? Sila pa rin iyon, ani netizen. Walang pagbabago, anila. Kalokohan.
Ngunit nagladlad ng kanyang kapa si Duterte nang nagpahiwatig na si Bong Go ang kanyang kandidato sa 2022. Hindi si Sara na inaasam ng maraming kaalyado. Pilit siyang gumagawa ng kalituhan sa kanilang hanay sa pamamagitan ng kung ano-anong senyas.
Hindi natitinag ang puwersang demokratiko kahit sino kay Sara o Bong Go ang ilaban sa 2022. Walang dapat ipangamba ang oposisyon sa hinaharap. Teka, kapag puwersang demokratiko, ang oposisyon iyon. Sila ang Liberal Party, Magdalo, Akbayan, Aksyon Demokratiko at ilang maliiit na lapian at grupong pulitikal. Pawang nagkasundo sila na isa lamang ang kanilang susuportahan sa 2022.
Ngayon, lumutang na sinuman kay Bise Presidente Leni Robredo at dating senador Sonny Trillanes ang tatakbo sa pagiging pangulo sa 2022. Nagkasundo sila na walang iwanan sa laban. Malinaw iyan sa marami nilang taga-subaybay at taga-suporta.
***
HINDI makakaila ng gusto ni Duterte na isang monopolyo ang Filipinas sa hindi nasusubukang bakuna mula China. Hindi gusto ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., dahil mistulang itinali ang kanyang mga kamay. Walang mangyayari sa kanya sa kanyang puwesto. Bukod diyan, tinatanggihan ng maraming frontline health worker ang bakuna mula China. Hindi kasi subok ang bakunang Intsik.
Iyan ng palusot ni Galvez kaya pilit siyang nakikipag-usap ang ibang kumpanya ng bakuna. Kailangan buksan ang Filipinas bilang pamilihan ng iba’t-ibang bakuna. Kailangan pumasok ang AstraZeneca, Pfizer, Modern at J&J at maging ang The Serum Institute ng India. Kailangan na may pagpilian ang mga mamamayan. Hindi puede na bakunang Intsik lamang na tulad ng gusto ni Duterte.
Mas madali sa kanya kung bukas ang pamilihan ng Filipinas sa iba. Mas madali siyang makikipag-usap, bagaman wala siyang masyadong nagagawa dahil sa madugong record ni Duterte sa karapatang pantao. Hindi sila sineseryoso ng ibang bansa. Mahinang klase ang tingin sa kanila.
***
MAYROON akong liham sa pamunuan ng Cebuana tungkol sa kawalan ng pakiramdaman ng kumpanya. Ipinangako ko sa sarili ko na lilipat na lang ako sa Palawan. Hindi ko sila kailangan. Narito:
“Yesterday, March 10, at around 2 pm, I went to your branch at Roces Avenue near Quezon Avenue in Quezon City. I sent a modest amount to a needy friend. A staff member attended to me. Not a problem with that. Your staff had a face mask but it did not cover the nose, exposing not just her coworkers in the booth but even customers whom she was serving.. I asked her if she had colds and she responded positively. I told her that it would unusual to have a face mask that did not cover her nose. She ignored me. I also said she was exposing customers like me to the dangers of whatever virus we could have. Again, she ignored. I asked for her name and her superiors, but she ignored me. I wonder why you allow a staff who was sick to attend to customers. Since she did not give her name and chose to ignore me, the receipt showed she was 053750. Yes, she was the one who processed the send-off money for me. I hope I will hear from you soon. I am not taking this matter sitting down because your staff was gravely irresponsible and insensitive.
Lumiham ang kung sinong Pilato sa Cebuana at humingi ng detalye. Suseme hindi nila binasa ang liham ko. Hindi na ako sasagot sa kanila at lilipat na lang ako sa kakompetensiya nila. Kaya nga hindi ako kumuha ng Cebuana Card nila. Para malaya akong makalipat sa kalaban kapag hindi ko gusto ang serbisyo nila.
***
BASAHIN MABUTI: Definitely, the Joe Biden gov’t is on its way to beat the pandemic within this year. Quite unexpected. They’ve the $1.9- rescue package. They’ve the ongoing national immunization program, which could vaccinate almost the entire population by end-2021. They’ve sidelined the noisy, but do-nothing Republicans. Seemingly, they could beat the odds. The Joe Biden gov’t is showing what political will is. In the Philippines, it’s the exact opposite. It’s still kill, kill, kill … The vaccines are nowhere in sight. Meanwhile, the Chinese vaccine is being rejected. The gov’t of the madman does not know what to do.
***
QUOTE UNQUOTE: “It’s when hope seems to be at its dimmest, when you must be at your bravest.” – Chief Justice Ma. Lourdes Sereno
“[Twenty-one gunshots on the body of slain Calbayog City Mayor Ronald Acosta]! And Debold says it’s a shootout? Grabe kayo mga PNP. Akala nyo lahat ng tao kasing tanga ng mga DDS.” – Gina Policarpio, netizen
The post Panloloko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: