PATAY ang isang ginang nang pagsasaksakin ng kanyang kinakasama sa Butuan City.
Kinilala ang biktima na si Jeje Bravo, 45 anyos, nagtamo ng 22 saksak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan nang pagsasaksakin ng kanyang ka-live-in na nakilalang si Jessie Laguna, 38, kapwa nakatira sa Sitio Patindog, Barangay Buenasuerte, San Francisco, Agusan del Sur.
Sa report, sugatan na tumakbo papalayo ang biktima ngunit naabutan ito at inundayan ng sunud-sunod na saksak, dahilan ng na kaagad nitong kamatayan.
Ayon sa kanilang mga kabitbahay, selos at away sa perang natanggap mula sa 4Ps ang pinag-aawayan nina Bravo at Laguna.
The post Pera sa 4Ps pinag-awayan: Misis, sinaksak ng 22 beses ng mister appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Pera sa 4Ps pinag-awayan: Misis, sinaksak ng 22 beses ng mister
Reviewed by misfitgympal
on
Marso 28, 2021
Rating:
Walang komento: