Facebook

Ginang binaril-patay ng brgy. kagawad

NASAWI ang isang ginang nang barilin ng kagawad ng barangay sa Claver, Surigao del Norte.
Kinilala ang biktima na si Gertrudes Reges Mellang, 43 anyos; habang ang salarin ay nakilalang si Rene Cresencia Pepino, 52, kagawad ng Brgy. Daywan sa Claver, at residente ng Purok 4 ng naturang barangay.
Ayon sa ulat, pinuntahan ng biktima si Pepino sa kanyang bahay at kinumpronta ang misis nito sa dahilan kung bakit siya ipinapatawag sa barangay.
Sa report, nagkataasan ng boses ang dalawa kung kaya’t pumasok sa loob ng bahay nito ang kagawad at bitbit na sa kanyang paglabas ang ‘di pa malamang kalibre ng armas sabay baril sa biktima na natamaan sa dibdib.
Nadala pa ito sa ospital ngunit namatay din kinaumagahan.

The post Ginang binaril-patay ng brgy. kagawad appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ginang binaril-patay ng brgy. kagawad Ginang binaril-patay ng brgy. kagawad Reviewed by misfitgympal on Marso 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.