Facebook

Policewomen, minanyak at dinala sa motel ng Hepe

Sibak sa puwesto ang hepe ng Lucban, Quezon Police Office nang ireklamo ng sexual harassment ng isang babaeng pulis.
Ayon kay Police Colonel Ericson Dilag, acting Provincial Director, sibak sa puwesto si Major Rizaldy Merene.
Base sa reklamo ng babaeng pulis, naganap ang sexual harassment noong Marso 25 sa Barangay Wakas sa Tayabas City.
Sa salaysay ng biktima, kasama niya ang dalawa pang babae nang imbitahan sila ni Merene na magmeryenda sa isang cafe sa Brgy. Ayuti, Lucban, alas-otso ng gabi.
Nang maihatid na sa kanilang bahay ang dalawa pang babae, sinabi umano ni Merene sa biktima na babalik pa sila sa istasyon. Pero, habang nasa kotse, pinaghihipuan ng opisyal sa hita at kamay ang sarhento at dinala sa Roadside Inn hotel sa Tayabas City.
Pagkahinto sa compound ng hotel, nakahanap ng tiyempo ang sarhento para makasakay sa tricycle at makatakas.
Aniya, ilang beses na siyang pinagtangkaan at hinarass ng hepe sa loob ng kanilang opisina.
Inilipat na si Merene sa Quezon Provincial Holding and Accounting Section sa Camp Nakar, Lucena City.
Pumalit sa puwesto ni Merene si Police Major Lauro Moratillo bilang officer-in-charge ng Lucban police station.
Naisampa na rin ang kasong sexual harassment laban kay Merene sa city prosecutor’s office sa Tayabas City.
Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

The post Policewomen, minanyak at dinala sa motel ng Hepe appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Policewomen, minanyak at dinala sa motel ng Hepe Policewomen, minanyak at dinala sa motel ng Hepe Reviewed by misfitgympal on Marso 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.