Facebook

SARGUHAN 8- BALL SA LIPA,BATANGAS!

WALONG mga pambatong bilyarista mula sa iba’t -ibang lugar ang magtatagisan ng galing sa larangan ng 8-ball billiards competition ang kasado na sa balwarte ng mga Batangueño.
Ang torneo ayon kay event organizer Erick Kirong ay isang araw na sarguhang gaganapin sa Abril 3,2021 sa kanyang lunan sa Casa Adela, Barangay Cumba sa Lungsod ng Lipa.
Ang pinaka-aabangang torneo na ipinangalan sa 4 na taon nang pumanaw na patriarko ng pamilya Kirong mismo sa araw ng kanyang kaarawan- ang Ist Sergio Verano Kirong Invitational 8-Ball Billiards Tournament ay inaasahang dadagsain ng pool enthusiasts sa salansan na social distancing.
Taginting na premyong salapi at tropeo ang nakalaan para sa makakampeon sa sarguhang knockout system gayundin sa segunda, tersera at pang-apat na puwesto.
Ang larangan ng billiards ay isang non- contact sport kaya isa ito sa mga niluwagan ng alituntunin ng IATF basta ang magiging spectators ay susunod sa health protocol ng kaganapan.
“Ang larangan ng billiards ang isa sa popular na sport sa bansa bukod sa basketball.Ito ay nakapagbibigay ng karangalan sa bansa sa international competitions na binigyang inspirasyon ng mga alamat na sina Efren ‘Bata Reyes, Django Bustamane, Dennis Orculio na pawang world chamions at gold medalist.This memorable event isdedicated to our beloved patriarch” wika ni Kiron na isa ring basketball enthusiast , organizer at patron.
Si Erick Kirong na team owner ng multi- titled commercial basketball team sa Metro Manila na Macway ay may adbokasiya ring isulong ang sports program para sa kabataan sa larangan ng basketball, volleyball, billiards at iba pang sports na pang- grassroot level sa Lipa, Batangas pag nagapi na ang pandemya tungo sa new normal ng pamumuhay.(Danny Simon)

The post SARGUHAN 8- BALL SA LIPA,BATANGAS! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SARGUHAN 8- BALL SA LIPA,BATANGAS! SARGUHAN 8- BALL SA LIPA,BATANGAS! Reviewed by misfitgympal on Marso 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.