Facebook

Bong Go: Tulungan ng lahat, kailangan vs COVID-19

IPINAGDIINAN ni Senator Christopher “Bong” Go na pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ang higit na kailangan upang malagpasan ng bansa ang COVID-19 pandemic.

“Gawin natin ang lahat para matulungan ang ating kapwa. Bawal ang papatay-patay ngayon. Kung papatay-patay tayo, mas lalong dadami ang mamamatay,” ayon kay Go.

Sinabi ni Go na kailangan ang kooperasyon ng bawat isa sa pagsasabing ang pagsugpo sa COVID-19 ay hindi lang laban ng gobyerno, bagkus ay ng buong sambayanan at ng buong mundo.

“Kailangan po ang kooperasyon ng lahat sa laban na ito kontra COVID-19. Hindi lang ito laban ng gobyerno kundi laban ng buong sambayanan — ng buong mundo,” he added.

Sa kanyang naging Araw ng Kagitingan message noong April 9, nagpugay si Sen. Go sa sakripisyo ng mga sundalong Filipino na kaparehas ng ginagawa ngayon ng healthcare workers na nagtataya ng buhay sa frontline para sugpuin ang pandemya.

“Nitong panahon ng pandemya, iba naman ang ating kalaban. Nag-iba rin ang mga mukha ng ating mga bayani. Sila ang mga doktor, nurse, pulis, sundalo, at iba pang mga frontliners na patuloy na nagseserbisyo at nagsasakripisyo para masalba ang buhay ng ating kapwa Pilipino,” ani Go.

“Saludo po kami sa inyo. Itinuturing namin kayong mga bayani, hindi lang ng ating bayan, kundi ng buong mundo!” idinagdag ng senador.

Kinilala rin ni Go ang kagitingan ng mga barangay workers, community volunteers, market vendors, drivers, mga magsasaka at mangingisda, mga ordinaryong manggagawa at iba pang Filipino na nakikipaglaban para sa kalayaan—kalayaan mula sa sakit, kalayaan mula sa krimen, at kalayaan mula sa gutom at kahirapan.

Hinimok niya ang mga Filipinos na balikan ang mga naging kontribusyon ng nakaraaang henerasyon para magsilbing inspirasyon sa harap ng krisis at paghihirap natin ngayon.

“Sa mga sandaling hirap na hirap na tayo, alalahanin lang natin ang mga karanasan ng mga naunang henerasyon kung saan ipinamalas nila ang kanilang katapangan at pakikipagbayanihan para malampasan ang mga pagsubok,” sabi ni Go.

“Dahil tulad noon, ang pagkakaisa natin ang tanging susi sa ating muling pagbangon,” aniya pa.

Sa kanyang panawagan ng ‘bayanihan’, hiniling ni Go sa lahat ng sektor ng lipunan na gampanan ang kanilang bahagi tungo sa ating tuluyang pagbangon at iwasan ang pag-aaway-away.

“Nakakalungkot isipin na, kahit sa gitna ng krisis, may iilan pa ring Pilipino na ang nais lang ay manisi, mamuna at manira sa kanilang kapwa.”

“Ang ikli-ikli lang po ng buhay natin sa mundong ito, huwag natin sayangin ang oras sa sisihan at siraan. Kung magtutulungan tayo, tiyak mas mapapabilis ang pagbangon natin mula sa pandemyang ito. Hindi po ito panahon para magsisihan. Panahon ito upang magtulungan!” ang pakiusap ni Go. (PFT Team)

The post Bong Go: Tulungan ng lahat, kailangan vs COVID-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Tulungan ng lahat, kailangan vs COVID-19 Bong Go: Tulungan ng lahat, kailangan vs COVID-19 Reviewed by misfitgympal on Abril 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.