INILARAWAN ngayon na magandang ehemplo at dapat na gayahin ang ginawa ng isang tricycle driver na nagsoli ng naiwang pera at tseke sa kanyang minamanehong tricycle sa Tagum City.
Dahil sa magandang ginawa ng tricycle driver, na nakilalang si Sofio Alo Jr., nakatanggap ito ng award mula sa lokal na pamahalaan ng Tagum City.
Sa report, isang pasahero ang sumakay sa tricycle ni Alo papunta sa isang bangko ngunit pagbaba nito ay naiwan ang nasabing pera at tseke na nagkakahalaga ng halos P20 million.
Matapos madiskubre ni Alo ang naiwan na bagay sa loob ng kanyang tricycle, agad itong pumunta sa Tagum City Hall para i-turn over ang nasabing bagay at para agad na makuha ito ng may-ari.
Malaki naman ang pasasalamat ng hindi pinangalanang may-ari ng tseke at binigyan rin niya ng tulong si Alo.
Nakatanggap rin ito ng pagkilala mula sa Apokon Elementary School.
The post Bravo! Trike driver nagsoli ng P20m pera at tseke appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: