Facebook

Manny Pacquiao Ayaw Lumaking Matapobre Ang Kanyang Mga Anak Kaya Nais Iparanas Ang Simpleng Pamumuhay

Hindi nga naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang hinahangaan na Pambasang Kamao na si Manny Pacquiao na ngayon nga’y isa na ring senador at kilalang tao sa lipunan ay nagmula sa isang mahirap na pamilya, na kaya naabot ang magandang buhay na pinapangarap para sa kanyang pamilya ay dahil sa naging pagsusumikap niya at pagpapamalas niya ng kanyang husay sa loob ng boxing ring.

Mula nga sa kanyang pawis at dugo sa hirap na kanyang pinagdaanan sa loob ng ring ay naiahon ni Manny ang kanyang pamilya sa kahirapan ng buhay na kanya ngang kinagisnan. Kitang-kita na nga, ngayon sa buhay ni Manny at ng kanyang pamilya, ang kasaganahan ng buhay na siyang naging bunga ng kanyang sakripisyo at pagiging isang mahusay na boksingero.

Isa nga ngayon ang kanilang pamilya, ang nabibilang sa pikamayayamang pamilya sa ating bansa.
Ang lahat nga ng tinatamasa ngayon ng pamilya ni Manny, ay dahil sa kanyang naging matinding determinsasyon, sipag at samahan pa ng matinding paniniwala at pagtitiwala niya sa Poong Maykapal.

Samantala, hindi nga lamang ang naging pagpupursige ng Pambang Kamao ang tunay na kahanga-hanga sa kanya, dahil hahangaan rin ang kanyang prinsipyo at pananaw sa buhay, lalo na sa pagpapalaki sa kanyang mga anak.

Maliban nga sa pagiging kilala ni Manny sa pagiging isa niyang boxing champ at senador, ay kilala rin siya ng publiko bilang isang butihin at responsableng ama sa kanyang mga anak, kung saan ay ang nais nga niya para sa mga ito ay ang lumaki ang mga ito na mabubuting mga mamamayan.

Sa kabila nga ng marangyang pamumuhay na tinatamasa ng pamilya ngayon ni Manny Pacquiao, ay nais pa rin niya maipamulat sa kanyang mga anak ang isang simpleng pamumuhay, ito ay upang hindi lumaki ang mga ito na matapobre.

Ayon nga sa senador, para maging mapagkumbaba, may respeto sa kapwa at maging matulungin sa mga nangangailangan ang kanyang mga anak, ay mahalaga at kinakailangan na matutunan at maranasan nila ang hirap ng buhay.

Dagdag pa niya, sa loob ng kanilang tahanan, kahit na mayroon silang kasambahay ay tinuturuan pa rin nila ng kanyang asawang si Jinkee ang kanilang mga anak ng mga gawaing bahay, upang ang mga ito ay lumaking responsible at hindi laging umaasa sa iba.

Minsan na nga ring ibinahagi noon ni Manny, na pinag-aral rin niya ang kanyang mga anak sa isang pampublikong paaralan sa kanilang probinsya sa Gen. Santos City, kung saan ang paaralan na ito’y walang airco. Ito ay isa sa kanyang mga naisip na paraan upang maipaalam sa kanyang mga anak kung gaano kahirap ang buhay na nararanasan ng ibang tao, at upang matutunan rin ng mga ito ang maging kontento sa kung ano lamang ang bagay na mayroon sila.

Makikita naman na naging mabisa ang pamamaraan na ito ng mag-asawang Manny at Jinkee sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, dahil ang mga ito ay lumaking ‘humble’ at may mabubuting puso kahit na marangya ang kanilang nakagisnang buhay.

The post Manny Pacquiao Ayaw Lumaking Matapobre Ang Kanyang Mga Anak Kaya Nais Iparanas Ang Simpleng Pamumuhay appeared first on Make To Simplify.


Source: We Buzz News
Manny Pacquiao Ayaw Lumaking Matapobre Ang Kanyang Mga Anak Kaya Nais Iparanas Ang Simpleng Pamumuhay Manny Pacquiao Ayaw Lumaking Matapobre Ang Kanyang Mga Anak Kaya Nais Iparanas Ang Simpleng Pamumuhay Reviewed by misfitgympal on Abril 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.