Facebook

Opening ng PVL inurong sa panibagong petsa

NAGKASUNDO ang mga opisyal at team owners ng Premier Volleyball League na iurong ang opening ng Open Conference sa huling Linggo ng Hunyo o unang Linggo ng Hulyo.
Ito ay napagkasunduan matapos ang team trainings ay nagambala ng ilang linggo dahil sa quarantine restrictions na ipinatupad ng gobyerno sa NCR at karatig na lalawigan simula sa Marso.
“We decided to do this to give ample time for the teams to train,” Wika ni PVL President Ricky Palou.
Metro Manila,Laguna,Rizal at Bulacan ay inilagay sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa loob ng isang linggo bago ibinaba sa Modified ECQ simula April 12 hanggang sa katapusan ng buwan.
Walang team trainings na pinapayagan sa ilalim ng paghihigpit.
Sinabi ni Palou na karamihan sa teams ay may plano na magkaroon ng bubble trainings sa labas ng NCR at sa probinsya na sa ilalim ng MECQ para sa kanilang preparasyon.
Ang liga ay unang nakaiskedyul na isagawa ang first conference sa April 10, pero inurong sa Mayo 8 matapos ang team training approval ay dumating sa petsa na hindi inaasahan.

The post Opening ng PVL inurong sa panibagong petsa appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Opening ng PVL inurong sa panibagong petsa Opening ng PVL inurong sa panibagong petsa Reviewed by misfitgympal on Abril 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.