SA mga pagtatanong ko sa mga OFW sa iba’t ibang bansa tungkol sa mga pinaiiral na protokol para hindi mahawaan o hindi kumalat ang Coronavirus disease (Covid), nalaman ko na dito lang sa Pilipinas ang may pinakamaraming protokol na ipinatutupad pero hindi naman bu-mababa ang Covid cases.
Oo! Ayon sa mga nakausap ko via Facebook o Messenger na OFWs sa HongKong, ang protokol lamang na ipinatutupad sa kanila ay ang pagsuot ng facemask kapag lumabas ng bahay. Kailangan lamang na sa pag-uwi mo galing sa galaan lalo pamilihan ay diretso ka kaagad sa banyo at hubarin ang kasuutan at ibabad agad ito sabon. ‘Yun lang!
Libre rin aniya ang mga bata at seniors gumala, walang curfew, wala rin ipinatutupad na social distancing at pagsuot ng faceshield. Kundi ang tanging ipinatutupad ay pagsuot ng facemask. ‘Yun lang!
Lahat daw ng negosyo sa HongKong ay bukas pati Disneyland, malls, parks, transportation, lahat. Kailangan lang na ang mga pumupunta rito ay naka-facemask. ‘Yun lang!
Ganito rin ang kuwento ng mga OFW sa Estados Unidos, pagsusuot ng facemask lang din ang ipinatutupad na protokol at hindi pa mandatory. Bukas din lahat ng businesses. Normal ang takbo ng mga negosyo na parang walang Covid, sa kabila na napakaraming Kano ang nasawi nang pumutok ang virus nung panahon ng loko-lokong pangulo nila na si Donald Trump.
Maging sa Italy at Brazil na napakaraming casualties sa Covid ay normal na ang kanilang takbo, pagsusuot ng facemask lang din ang ipinatutupad na protokol sa mga naturang bansa.
Gayundin sa karatig bansa ng Pilipinas na Indonesia, Singapore, Malaysia, Vietnam at Myanmar. Normal na ang takbo ng kanilang pamumuhay.
Ang China nga na pinagmulan ng Covid ay normal narin, libre na ang lahat na gumala, kailangan lamang may suot na facemask. Mababa na ang Covid cases sa higit isang bilyong populasyon nito.
Ang Pilipinas nalang talaga ang abnormal ang takbo ng pamumuhay ng mga tao. Sarado ang maraming negosyo, panay lockdown, napakaraming protocols na ipinatutupad, pero napakataas parin ng Covid cases. Higit isang taon nang under quarantine tayo. Matatapos lamang si-guro ito sa 2022 elections, ‘pag napalitan lahat ng opisyal na palpak!
***
Kapalpakan ng gobyerno ang patuloy na pagtaas ng Covid cases sa bansa, sabi mismo ng mapagkakatiwalaang OCTA Research Team na pinamumunuan ng respected UP Professor, Ranjit Rye.
Ito rin ang sinabi ni retired Sr. Associate Justice Antonio carpio.
Sinisisi rin ng grupo ng mga duktor ang Health Secretary na si Francisco Duque dahil sa pagsisinungaling at sobrang pagsisipsip kay Pangulong Rody Duterte hinggil sa tunay na sitwasyon ng Covid cases.
Maging ang mga Senador ay sinisisi si Duterte sa ‘di pagsibak kay Duque at patuloy na pagtatanggol sa kalihim.
At mismong ang bespren at kababayan ni Duterte na si Ramon Tulfo ay nagsabing palpak ang gobyerno nito. Para raw manok na pinutulan ng ulo na tumatakbo ng walang direksyon. Mismo!
The post Sobrang dami na ng protocols, ‘di parin bumababa ang covid appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: