Facebook

STOP NA ANG KABALBALAN SEC. ROQUE

HINDI ba nakakahalata si Presidential Spokesperson Harry Roque na nagagamit ang kanilang daily noontime press briefing ng mga miyembro ng biased mainstream media upang upakan ang Pangulo ng Pilipinas?

Obvious naman ang kanilang sabwatang script upang ibagsak ang kinaiinggitan at kinamumuhiang kasalukuyang administrasyon sa atas ng kanilang mga among kumikiling sa isinusuka ng masang oposisyon.

Ang laking pagkakataon o oportunidad ang naibibigay sa mga kontrabida sa buhay ng mga Pilipino dahil lahat na ng negatibo ay itatanong upang ipalitaw na palpak ang Pangulo na isang kabaligtaran at puno ng kabalintunaan.

Bakit hinahayaan ni Sec. Roque na magtanong ng below the belt at talagang walang sasabihing maganda kundi pipigaing magkamali ng isasagot si Ispoks?

Dapat nang i-pack-up ang naturang press conference dahil kahit na nasasagot naman ni Sec. Roque at ilang miyembro ng gabinete ang mga insultong tanong mula sa MORON na reporter ng ka-heart na network at alibughang gra-nadang piyok na lady reporter mula on-line site ng fake news na wala namang following pati na ang mga isinusubong tanong sa zoom ay pala-ging banat sa administrasyon ang nagiging tema ng presscon (puro salag na lang ba?). Pati rin ng ilan pang Malacañang reporters ay dumadagdag sa nakaka-stress na pulong balitaan .

Hindi na ito demokratikong sistema dahil ang nakikinabang ay sila lang na mga mamamahayag na dapat ay parehas pero ang siste ay may makasariling agenda

Di na ito dapat napapanood ng mamamayang sobrang bugbog na sa krisis mula kalamidad at pandemya .

Ang bayan na lang ang harapin ninyo sa halip na ang mga biased reporters na di nakakatulong sa problema ng nasyon. Para naman ito sa kanilang mga bossing na ayaw umangat ang ating bansang hilahod na pero interes pa rin nila (oposisyon, oligarko, pulahan, kaparian, etc.) ang inuuna.

Maniniwala naman ang taumbayan kung sa kanila ninyo mismo ideretso ang mga mahalagang impormasyon sa kalagayan ng bansa dahil may sarili naman kayong network na inyong tulay ng katotohanan at walang pinagtatakpan

Hindi magiging pabor sa iyo Sec. Roque ang araw-araw na presensiya mo sa telebisyon ( kung may balak ka mang tumakbo sa darating na eleksiyon) pero ang tunay na napapaboran ay ang biased mainstream media lang naman.

Inyong tandaan, hinding-hindi nila ga-gamitin at ibabandera ang mabuting balita mula sa administrasyon,tiyak na ang top story nila ay ang mga binabaluktot na balita para mapasama ang gobyernong kinabibilangan mo Ginoong Sekretaryo.

Hindi ninyo kailangan ang propaganda para papogi dahil sa sobrang mataas na approval rating ni PRRD.

Ang nakikinabang sa inyong programa ay silang mga salot ng lipunan sa bayan ni Juan.

Que horror ang mga iyan Spox Roque,por favor, itigil na ang kanilang kabalbalan… ABANGAN!!

The post STOP NA ANG KABALBALAN SEC. ROQUE appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
STOP NA ANG KABALBALAN SEC. ROQUE STOP NA ANG KABALBALAN SEC. ROQUE Reviewed by misfitgympal on Abril 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.