Facebook

18,659 Pinoy sa ibang bansa tinamaan ng COVID-19 – DFA

PUMALO na sa 18,659 ang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na nagpositibo sa COVID-19 hanggang nitong Linggo, Mayo 23, matapos na iniulat ng Department of Foreign Affairs ang isang panibagong infection.

Batay sa datos ng DFA, ang total recoveries ay pumalo sa 11,400, habang ang bilang naman ng mga nasawi ay 1,168.

Sa kasalukuyan, mayroong 6,091 pasyente na nagpapagaling pa sa COVID-19.

Base sa datos mula sa DFA, lumalabas na 3,799 cases ang naitala sa Asia at Pacific region, kung saan 1,231 dito ay nagpapagaling pa at 2,546 pasyente recovered at 32 naman ang nasawi.

Sa Middle East o Africa, aabot naman sa 10,473 cases ang naitala kung saan 3,796 pasyente ang sumasailalim pa sa treatement, 5,913 ang recoveries, at 764 ang tuluyang binawian ng buhay.

Sa Europe naman, 3,403 Pilipino ang nagpositibo sa COVID-19, kung saan 949 ang nagpapagaling pa, 2,324 ang gumaling, at 130 ang pumanaw.

Samantala, kabuuang 984 cases naman ang naitala sa America kung saan 115 dito ang nagpapagaling pa, 627 ang recovered na, at 242 ang pumanaw.

The post 18,659 Pinoy sa ibang bansa tinamaan ng COVID-19 – DFA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
18,659 Pinoy sa ibang bansa tinamaan ng COVID-19 – DFA 18,659 Pinoy sa ibang bansa tinamaan ng COVID-19 – DFA Reviewed by misfitgympal on Mayo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.