IGINIIT muli ng Pilipinas ang panawagan nito na irespeto at sundin ang international law pati na rin sa 2016 arbitral ruling na nagpapawalang bisa sa claims ng China sa kabuuan ng South China Sea.
Sa ika-anim na meeting ng Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea nitong Sabado, Mayo 22, na dinaluhan ng delegasyon mula sa Pilipinas at China, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naging “friendly” at “candid” ang pag-uusap ng dalawang bansa pagdating sa sitwasyon sa West Philippine Sea.
“Both sides acknowledged the importance of addressing differences in an atmosphere of openness and cordiality to pave the way for practical cooperation and initiatives,” ayon sa DFA.
Iginiit din ng Pilipinas sa naturang pulong ang progress sa settlement ng Filipino fishing vessel na Gem-Ver na muntik nang lumubog nang tamaan ito ng Chinese vessel sa Recto Bank noong June 2019.
Nanguna para sa delgasyon ng PIlipinas si Foreign Affairs Acting Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Elizabeth Buensiceso.
Para naman sa China, dumalo sa naturang pulong si Chinese Assistant Foreign Minister Wu Jianghao.
The post Pilipinas muling iginiit sa China ang pagsunod sa int’l law appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: