NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng mababang bilang ng karagdagang kaso ng COVID-19 na nasa 3,083 nitong Linggo, Mayo 23.
Samantala ay mayroon namang naitalang 6,756 na gumaling at 38 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.3% (50,635) ang aktibong kaso, 94.0% (1,109,226) na ang gumaling, at 1.69% (19,951) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga ay operational noong May 21, 2021 ngunit mayroong 3 na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 4.1% sa lahat ng samples na naitest at 2.6% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Ang mababang kaso ngayong araw ay dulot ng isinasagawang updates sa COVIDKaya.
May ilang datos na hindi naisama sa kasalukuyang case bulletin. Ito ay kasalukuyang inaayos ng COVIDKaya technical team. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 3,083 bagong kaso; 38 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: