NAGBABALA ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na gobyerno, para bantayan ang kanilang mga tauhan sa isyu ng pagbebenta ng bakuna o maging ng vaccination slots.
Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, seryosong usapin ito, lalo’t hanggang ngayon ay hindi pa rin sapat ang dumarating na bakuna para sa karamihang mga kababayan natin.
Ayon kay Malaya, mahaharap sa patung-patong na kaso ang mga dawit sa bentahan.
Kabilang sa mga paglabag ay pagnanakaw, paggamit ng government property at pananabotahe sa programa ng pamahalaan.
Habang ang LGU officials namang masasangkot dito ay kakasuhan agad sa Office of the Ombudsman. (Josephine Patricio)
The post Patong-patong na kaso laban sa nagbebenta ng bakuna appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: