NANANAWAGAN sa national government ang mga lider ng Marawi City at iba pang civl society organizations sa Mindanao na gawing prayoridad ang reconstruction ng lungsod, apat na taon nang pasukin ito ng Maute group.
Sa isang pahayag, umaapela ang Marawi Advocacy Accompaniment (MAA) sa Duterte administration na bilisan ang reconstruction sa lungsod upang sa gayon ay makabalik na sa kani-kanilang mga bahay ang mga apektadong residente.
Sa anibersaryo ng madugong bakbakan sa pagitan ng pamahalaan at ng Maute group, inaalala ng MAA ang mga inosenteng buhay na nasawi, mga nawalan ng tirahan at mga pamilyang apektado ng trahedyang ito.
Matatandaan na Mayo 23, 2017 nang pasukin ng Maute group ang town center ng Marawi at inokupa ang buong lungsod.
Oktubre nang taon din iyong nang tuluyang nakalaya ang Marawi City mula sa mga kamay ng Maute group dahil na rin sa opensibang inilunsad ng pamahalaan.
Subalit, sa kalagitnaan ng pangyayaring ito, ilang mga bahay at imprastraktura ang nasira.
Makalipas ang apan na taon, hindi pa rin nakakabalik sa kanilang mga tahanan ang mga residente ng lungsod.
Ayon sa MAA maraming pangako ang sinabi ng pamahalaan subalit kakaunti lamang sa mga ito ang natupad.
Kabilang na rito ang pagbibigay ng just compensation sa nawalang kabuhayan at pag-aari ng mga paektadong pamilya.
Umaapela rin ang MAA sa pamahalaan na magkaroon ng transparency sa kung saan napunta ang pondo at donasyon para sa lungsod.
The post Marawi leaders umaalma na sa ‘di parin naayos na lungsod after 4 years ng giyera appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: