Nasawi ang isang Municipal Councilor na nagmamay-ari ng isang paaralan at dating kumandidato sa pagka-mayor nang pagbabarilin ng hinihinalang berdugo sa sa MH del Pilar St., Poblacion, North Cotabato nitong Sabado ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Marvin Prado, 45 anyos, may asawa, residente ng Purok Bromelliad, Brgy. Poblacion, at may-ari/manager ng Mindanao Institute of Science and Technology, Matalam Campus.
Ayon sa ulat, 9:00 ng umaga habang sakay ang biktima sa kanyang Mitsubishi Gallant nang biglang pinagbabaril ng hindi pa kilalang salarin.
Isinugod pa si Prado sa ospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.
Politika ang isa sa mga tinitingnang anggulo sa krimen dahil sa plano ng biktima na tumakbong alkalde uli sa darating na halalan.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.
The post Konsehal na tatakbong Mayor, patay sa ambush appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: