Facebook

Face-to-face classes ‘di na ibabalik – CHED

BINIGYAN-DIIN ng Commission on Higher Education (CHED) na hindi na ibabalik pa ang tradisyunal na face-to-face classes.

Sinabi ni CHED Chairman Prospero De Vera, simula kasi ngayon ay gagawin ng pamantayan ang flexible learning, at pinagtibay na rin aniya ng CHED ang polisya para sa flexible learning sa susunod na academic school year 2021-2022.

Ayon kay De Vera, isa kasi sa naging kunsiderasyon nila sa nasabing bagong polisiya ay dahil sa mga sentimyento ng mga educational stakeholders sakaling muling magkaroon ng panibagong pandemya.

Bukod dito, isa rin aniya sa kanilang naging basehan ay ang naging investment at adjustment sa teknolohiya, training ng mga guro, pati na ang retrofitting ng mga pasilidad upang makapagsagawa lamang ng flexible online classes dahil sa COVID-19 pandemic.

Dagdag pa ni De Vera, dahil sa ipatutupad na polisiyang ito ay magpapatupad ang mga unibersidad at mga pribadong paaralan ng flexible learning methods na angkop sa kanilang sitwasyon.

Matatandaang ipinatupad ang online classes sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic. (Josephine Patricio)

The post Face-to-face classes ‘di na ibabalik – CHED appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Face-to-face classes ‘di na ibabalik – CHED Face-to-face classes ‘di na ibabalik – CHED Reviewed by misfitgympal on Mayo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.