SINABI ng Department of Health (DOH) na magagamit at maituturok sa mamamayan ang may dalawang milyong AstraZeneca vaccines bago tuluyang ma-expire ang mga ito sa buwan ng Hunyo at Hulyo.
Ito ang kumpiyansang inihayag ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje kahapon, na siya ring chairperson ng National COVID-19 Vaccination Operation Center.
Ayon kay Cabotaje, sa ngayon ay nagamit na nila ang 500,000 mula sa naturang dalawang milyong bakuna.
Inaasahan rin aniya niya na magagamit ang nasa 500,000 pa bago naman matapos ang Mayo, o aabot na sa isang milyon.
“We are happy to note na sa 2 million (AstraZeneca doses), naka-500,000 na tayo isa, dalawang linggo pa lang,” ani Cabotaje, sa panayam sa radio.
“So, we will be reaching 1 million by end of May. So [there’s]another million. Mauubos natin ito. We are confident na mauubos natin. Nai-distribute na natin sa buong Pilipinas ‘yan at humihingi pa sila ng additional, wala na tayong maibigay,” aniya pa.
Una nang sinabi ni Cabotaje na ang mga naturang AstraZeneca doses na mawawalan ng bisa sa Hunyo 30 ay maide-deploy nang lahat sa Hunyo 15 habang ang mga mae-expire naman sa Hunyo 31 ay maipapamahagi hanggang sa Hunyo 15.
Nilinaw rin naman ng health official na ang pagpapabilis sa administrasyon ng AstraZeneca doses ay hindi dahil sa expiry date ng mga ito, kundi dahil nais ng pamahalaan na mas maraming mamamayan ang mabakunahan laban sa COVID-19 sa lalong madaling panahon.
Hanggang nitong Mayo 18, mahigit na sa 3.2 milyong COVID-19 vaccine ang nai-administer ng pamahalaan. (ANDI GARCIA)
The post 2M AstraZeneca, magagamit bago tuluyang ma-expire — DOH appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: