Facebook

Maynila, nanguna sa Overall Summary Report ng Reg’l Vaccination Operation Center

MULING pinatunayan ng Maynila na karapatdapat siyang maging kabisera ng bansa makaraan talunin ang lahat ng siyudad sa National Capital Region pagdating sa mabilis na pagbibigay ng bakuna.

Ito ang pinatunayan ng NCR Overall Summary report ng Regional Vaccination Operations Center na nagpapakita na ang Lungsod ng Maynila ay nakapagbakuna na ng kabuuang 188,146 katao ng kanilang first dose ng COVID-19 vaccine.

Ito ay binubuo ng mga nasa ilalim ng kategoryang A3 o mga nasa edad 18 hanggang 59 na may comorbidities, sinundan ito ng mga senior citizens at mga medical at health frontliners.

Sa puntong ito ang Maynila ang sumakop ng 20 porsyento ng indibidwal na nabakunahan na sa buong bansa na nasa 979, 136 ang total o halos 7.28 porsyento ng kabuuang populasyon.

Sumunod sa Maynila ay Quezon City kung saan 176,794 ang naitalang total ng nabakunahan habang ang iba pang siyudad sa NCR ay umabot lamang sa five-digit ang bilang ng mga nabigyan ng bakuna.

Labis na ikinatuwa ni Mayor Isko Moreno ang pangyayari at dahil dito ay pinasalamatan niya ang lahat ng City Hall personnel na nagtrabaho ng lagpas sa itinakdang oras ng kanilang trabaho upang makapagbakuna lamang ng mas maraming tao.

Pinasalamatan at binigyan ng komendasyon ni Moreno sina Vice Mayor Honey Lacuna, Manila Health Department sa pamumuno ni Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan at ang lahat ng teams sa likod ng programa sa pagbabakuna na kinabibilangan ng vaccinators, encoders at iba pang mga kawani sa kanilang sakripisyo ay dedikasyon sa trabaho.

Binigyang pagkilala ni Moreno ang mga nabanggit dahil sa pagtugon nila sa panawagan ng alkalde na magtrabaho sa loob ng 14 hours sa panahon ng pagbabakuna at maging Sabado, Linggo at Holidays.

Sakaling may sapat na dami ng bakuna ang dumating sa lungsod mula sa national government, tinitiyak ni Moreno na sabay-sabay na magbubukas ang 18 vaccination sites mula alas- 6 ng umaga hanggang alas- 8 ng gabi.

Ang pinakamaraming bakuna na na naibigay ng lungsod sa loob lamang ng isang araw ay umabot sa 16,261. (ANDI GARCIA)

The post Maynila, nanguna sa Overall Summary Report ng Reg’l Vaccination Operation Center appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Maynila, nanguna sa Overall Summary Report ng Reg’l Vaccination Operation Center Maynila, nanguna sa Overall Summary Report ng Reg’l Vaccination Operation Center Reviewed by misfitgympal on Mayo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.