Facebook

5 rider nag-viral ang ‘public stunt’ sa kalsada, kinumpiska ang lisensya

Tuluyang kinuha ang lisensya at tinikitan ang limang miyembro ng isang grupo ng mga motorcycle rider sa Cebu.
Una nito, ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO)-Central Visayas ang atensyon ng SuperMoto Cebu nang mag-viral sa social media ang isang video at larawan ng grupo na nagsasagawa ng “exhibition” sa isang kalsada Lungsod ng Cebu. Sa bahagi ng video ay may isang miyembro ang nawalan pa ng kontrol sa sinasakyan nito at bumagsak sa kalsada.
Kaagad naman tumungo ang grupo sa opisina ng LTO-7 at inako ang pagkakamali.
Ayon sa miyembro ng grupo na si Manuel Yu, promotional stunt lang ito para sa mga partner nito noong 5:00 ng madaling araw ng nakaraang linggo kung saan karamihan naman ng tao ay tulog at hindi pa mabigat ang trapiko.
Hindi na aniya nila hinintay ang show cause order sa LTO, bagkus, boluntaryong hinarap ang parusa ng ahensya.
Dagdag pa ng isang miyembro na si Ryan Tañeno, hindi nila alam na paglabag pala sa batas trapiko ang kanilang ginawa.
Samantala, naniniwala ang regional director ng LTO-7 na si Victor Caindec na “lesson learned” ang pagparusa sa grupo kabilang ang pag-issue ng Temporary Operator’s Permits sa lima nitong motorcycle rider.
Giit ni Caindec, “reckless driving” ang ipinakita ng grupo dahil isinagawa ito sa public road.

The post 5 rider nag-viral ang ‘public stunt’ sa kalsada, kinumpiska ang lisensya appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
5 rider nag-viral ang ‘public stunt’ sa kalsada, kinumpiska ang lisensya 5 rider nag-viral ang ‘public stunt’ sa kalsada, kinumpiska ang lisensya Reviewed by misfitgympal on Mayo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.