Facebook

Barya at tsaa pinamimigay sa community pantry sa QC

KUNG ang karamihan ng community pantry ay pagkain ang alok sa mga pumipila, barya at tsaa naman ang handog ng isang pantry sa Visayas Avenue, Quezon City.
Ayon kay Karl Bartolata, organizer ng nasabing pantry, nag-umpisa ang kanilang grupo sa pag-oorganisa ng mga community pantry na tampok ang mga pagkain.
Doon nila nakausap ang ilan sa mga nais mag-donate pero nahihiyang magbigay dahil barya lang ang kaya nilang ialok. Kaya naisipan nilang gumawa ng “Coin-muni-tea” pantry kungsaan maaring mag-donate at kumuha ng barya para sa mga nangangailangan ng pamasahe.
Kahit sino ay puwedeng kumuha. May tsaa din silang alok tulad ng tanglad tea at iced tea mula sa grupong Galaw ng Kalikasan, para ma-promote aniya ang healthy living sa mga tao.
Karaniwang binubuksan ang pantry 9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng hapon. Nasa pangatlong araw na operasyon ng “Coin-muni-tea” pantry.(Boy Celario)

The post Barya at tsaa pinamimigay sa community pantry sa QC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Barya at tsaa pinamimigay sa community pantry sa QC Barya at tsaa pinamimigay sa community pantry sa QC Reviewed by misfitgympal on Mayo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.