IIMBESTIGAHAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang isang kapitan ng barangay sa Quezon City sa pakikiisa sa videoke singing session ng walang face mask sa isang birthday party.
Nag-viral sa Facebook ang post kungsaan makikita ang kapitan ng Barangay Alicia na si Ric Corro na kumakanta sa birthday party sa Bulacan 9:30 ng gabi.
Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, lumabag si Corro sa health protocols nang dumalo sa social gathering at pagkanta ng walang face mask.
Sa panig ni Corro, hindi niya mapagdamutan ang request ng ilang guest at mahirap kumanta ng naka-face mask.
“Kasama lang ako tapos na-request lang pero sa loob ng bahay naman ‘yon,” pahayag ni Corro.
“Mahirap kumanta naman na may mask ako. Saan naman kayo nakakita ng kumantang may mask?,” rason ng kapitan.
Inisyuhan na ng DILG ng show-cause order si Corro upang makapagpaliwanag.
The post Bgy. kapitan nag-videoke nang walang face mask appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: