Facebook

Misis inatado ng saksak ni mister

HINDI na umabot ng buhay sa ospital ang 28-anyos na misis nang pagsasaksakin ng kaniyang mister sa San Nicolas, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Jovelyn Lucas.
Naaresto naman ang kaniyang mister na si Don Richard Lucas na hindi pa nakapagbibigay ng salaysay.
Sa ulat, nangyari ang krimen nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa sa kanilang bahay sa Barangay Calanutian.
Ayon kay Police Lieutenant George Banayos Jr., hepe ng San Nicolas Police, lasing si Don Richard nang mangyari ang krimen.
Selos ang isa sa mga tinitingnan na motibo sa krimen.

The post Misis inatado ng saksak ni mister appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Misis inatado ng saksak ni mister Misis inatado ng saksak ni mister Reviewed by misfitgympal on Mayo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.